Una sa Balita

Horoscope 05/16/2018

0 159

ARIES (March 21-April 19) – Ang pag­lapit mo sa isang tao para maging mas ma­ayos ang inyong relasyon ay hindi uubra nga­yon. Mas makabubuting hayaan mo muna siyang mapag-isa at bigyan siya ng kinakailangan niyang espasyo. Lucky number for today: 16.

 

TAURUS (April 20-May 20) – May tensyon sa iyong lovelife. Maaayos ito kung magkakaroon ng heart-to-heart talk. Mababawasan ang tensyon kung sasabihin mo ang lahat ng iyong nararamdaman. Lucky number for today: 36.

 

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi mo makukuha ang ipinupunto ng ibang tao kung isinasarado mo ang isip mo bago pa man siya magsalita. Pakinggan ang opinyon ng ibang tao at buksan ang isip sa lahat ng posibilidad. Lucky number for today: 44.

 

CANCER (June 21-July 22) – Gawing espesyal ang araw na ito para sa iyong mahal. Dagdagan pa ang efforts para ipakitang nagtitiwala ka sa kanya. Lucky number for today: 45.

 

LEO (July 23-August 22) – May pagkakataong kailangan mong maging mas aktibo sa iyong social life. Makakatulong sa iyo kung magjo-join sa isang grupong makakatulong para mapalawak pa ang iyong koneksyon. Lucky number for today: 34.

 

VIRGO (August 23-September 22) – Pumapasok ang kalituhan kung kulang ka sa sapat na impormasyon. May mga bagay na hindi lahat sinasabi sa iyo at ikaw ang kailangang kumilos para makuha ito. Lucky number for today: 25.

 

LIBRA (September 23-October 22) – Sa halip na umiwas, sika­ping makipaglapit sa isang tao na kakailanga­nin mo sa iyong trabaho. Huwag na ring sisihin ang sarili kung nalagay ka man sa isang alanga­ning sitwasyon, malalagpasan din agad ito. Lucky number for today: 34.

 

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang impormasyon ang matatanggap ngayong araw na ito at makakatulong para sa isang inumpisahan mong proyekto. Kailangang pagbuhusan pa ng ­effort ang anumang ginagawa para matiyak ang tagumpay. Lucky number for today: 43.

 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan mong bumalanse sa isang obligasyon na kailangan mong gawin at sa kung ano lamang ang gusto mong ibigay. Maaaring nararamdaman mo na ang bigat ng nakaatang sa iyong responsibilidad. Lucky number for today: 16.

 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag masyadong magseryoso. Kung kaila­ngang tawanan mo ang isang problema, gawin ito. Walang maitutulong ang pag-init ng ulo sa halip ay lalo lamang magpapalala sa sitwasyon. Lucky number for today: 43.

 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Posibleng mixed message ang naipararating mo sa isang kinauukulan. Lina­win ang iyong mensahe at nang hindi magkaroon ng kalituhan. Lucky number for today: 32.

 

PISCES (February 19-March 20) – Posibleng isang kaibigan mo ang makapagbigay ng komentong nakakasakit sa iyo. Gayunpaman, kung alam mong may bahid ito ng katotoha­nan, mas magiging madali sa iyo ang tanggapin ito at huwag nang haluan ng emosyon. Lucky number for today: 35.