Una sa Balita

Horoscope 05/13/19

0 241

ARIES (March 21-April 19) – Anumang makaharap na hamon ngayon ay madali lamang malalagpasan. Handa kang harapin ang anuman at sinuman. Kapag nasa ganito kang mood, lahat ay magiging madali para sa iyo. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mong maging mas assertive ngayon at sa mga susunod na araw kahit ang mga taong nakatataas sa iyo ng posisyon ang iyong makaharap. Hindi naman mahirap magsalita ng katotohanan na may kasamang pagrespeto. Manatiling kalmado sa anumang sitwasyon. Lucky number for today: 22

GEMINI (May 21-June 20) – Pansamantalang mawawala ang mga balakid sa iyong daan. Samantalahin ang pagkakataon para maisulong ang mga mahihirap na gawain na importante para sa iyo. Higit sa lahat, anumang sinimulan ngayon ay dapat tapusin. Lucky number for today: 32

CANCER (June 21-July 22) – Hindi na importante kung ano ang sinasabi ng mga tao na kaya mo at hindi kayang gawin. Ikaw ang may kontrol sa sarili mo. Ibuhos ang lahat ng effort at marami kang mapapatunayan. Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo lamang magsalita at maraming handang tumulong. Kung sasamahan mo pa ng karisma at hindi idadaan sa pag-uutos ang lahat, mas makukuha mo ang suporta ng lahat. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) –Marami kang magagawa ngayon at sa mga susunod na araw. Tila hindi maubos-ubos ang iyong enerhiya pero hindi pa rin dapat isagad ang pagod. Bigyan ng pansin ang iyong kalusugan. Lucky number for today: 3

LIBRA (September 23-October 22) – Magandang pagkakataon ito para gawin ang mga importanteng trabaho lalo na ang mga gusto mong tapusin. May mga aberyang puwedeng mangyari pero kaya mong banggain ang lahat. Lucky number for today: 4

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung may malaki kang pinaplano, ngayon ang magandang araw para isulong ito. Kung anuman o sinuman ang nagbibigay ng inspiras­yon, gawin itong sentro ng iyong buhay at mas marami kang maa-accomplish. Lucky number for today: 21

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Tila magnet na magdadatingan nga­yon ang mga positibong pangyayari. Maging ang lovelife ay magiging promising lalo na para sa mga naghahanap pa lamang ng mamahalin. Lucky number for today: 20

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kahit tila kontra sa iyo lahat ng tao ngayong araw na ito, ikaw pa rin ang magwawagi. Lahat ng hamon ay mae-enjoy mo at mas lalong lulutang ang iyong husay. Lucky number for today: 53

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi ka magkukulang sa kumpiyansa. Ngayon na ang pagkakataon para patunayan sa lahat ng mga kritiko mo na meron ka pang itinatagong alas. Lucky number for today: 22

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mong maging brutal sa isang taong malapit sa iyo. Masakit talagang tanggapin ang katotohanan pero kailangan mo itong masabi para sa kapakanan ng nakararami. Lucky number for today: 49

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy