Una sa Balita

Horoscope 05/11/19

0 179

ARIES (March 21-April 19) – Isang isyung pinansyal ang aagaw ng atensyon mo sa araw na ito pero sulit ang effort na ibubuhos mo dahil sa benepisyong magiging kapalit. Magandang oportunidad din ang ibubukas para sa aspeto ng iyong lovelife. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Marami kang gustong sabihin pero marami ka ring taong puwedeng masaktan at makabangga. Kung ayaw mong magkaroong ng tensyon sa pakikisalamuha sa mga taong nakatataas sa iyo ng posisyon, kontrolin muna ang bibig. Lucky number for today: 58

GEMINI (May 21-June 20) – Higit sa lahat ng araw ngayon ay dapat kang umiwas sa anumang pangako. Maraming puwedeng ma-disappoint sa iyo dahil anumang pangakong bitiwan ngayon ay malabo mong mabigyan ng katuparan. Lucky number for today: 7

CANCER (June 21-July 22) – Pakiramdam mo ay naghahabol ka sa oras at marami ka pang dapat ma-accomplish. Pero ‘wag daanin sa paspasan ang anumang ginagawa. Magpokus at pagbuhusan ito ng siyento por siyentong atensyon dahil maraming­ aberyang puwedeng mangyari. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Isa itong mapanghamong araw para sa iyo. Maaring maapektuhan ang iyong kumpiyansa. Makabubuting magpokus sa mga taong nagtitiwala at naniniwala sa iyo kahit may ilang mga hindi maiiwasang kapalpakan. Lucky number for today: 36

VIRGO (August 23- September 22) – Marami ang pumupuri sa iyo pero hindi sapat ito para maging over confident ka. Ngayong marami ang nakakapansin sa iyo, may ilan namang naiinggit na posibleng gumawa ng hindi magandang isyu kaya maging alerto sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 11

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May mga pangyayaring hindi swak sa iyong panlasa pero hindi ito sapat para tumigil ka na sa iyong mga naumpisahan. Ituring itong mga hamon na kaya mong lagpasan kung pag-uukulan ng ibayong atensyon. Lucky number for today: 14

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa kahit anong sitwasyon, iwasang mambola para lamang mapasaya ang ibang tao. Manatili sa katotohanan kahit masakit ito sa pandinig ng iba. May magagawa ka para itama ang mali. Lucky number for today: 56

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Relaks muna at hayaan ang mga tao sa paligid mo na siyang bumalikat sa mga dapat tapusin. Naisulong mo na ang mga kinakaila­ngang pag-uumpisa, ibigay mo sa iba ang trabahong para sa kanila. Hindi mo kailangang sarilinin ang lahat. Lucky number for today: 55

CAPRICORN (December 22-January 19) – Paminsan-minsan, hindi masamang kalimutan muna ang pagiging seryoso. Bigyan ng pagkakataon ang sarili na makapagsaya, umaktong joker sa mga kaibigan at enjoy mo muna ang araw na ito. Kakailanganin mo ito para mai-recharge ang isip para sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi nalalayo ang kasagutang hanap mo kaya magpatuloy lamang sa pagtatanong. Iwasan ding maging stuck na lang sa iyong opinyon. Kaila­ngan mong maging flexible ngayon para mas ma­ging maganda ang resulta. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – Ito ang araw para magrelaks at pagbigyan ang iyong crea­tive side. Bigyan din ng pahinga ang katawan at bigyang pansin ang kalusugan. Makatutulong ito para maibalik mo ang positibong vibes na hanap mo. Lucky number for today: 2

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy