Una sa Balita

Horoscope 05/06/2018

0 206

ARIES (March 21-April 19) – ‘Wag nang hintaying magsisi pa sa isang bagay na hindi mo nagawa kung may pagkakataon naman na gawin na ito ngayon. Mas magagawa mo rin nang maayos ang isang aksyon kung napaghandaan mo ito. Lucky number for today: 14

TAURUS (April 20-May 20) – Nakikiayon at papabor ang mga pangyayari sa araw na ito. Ang isang hinihintay na resulta ay nalalapit na rin. May inspirasyong idudulot ang isang indibidwal na nasa paligid mo. Lucky number for today: 38

GEMINI (May 21-June20) – Maaring makaramdam ka ng kakulangan sa ini-expect mo sa ilang indibidwal. Manatiling kalmado upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan. Mas matatapos ang mga naumpisahan kung iiwas muna sa mga diskusyon. Lucky number for today: 53

CANCER (June 21-July 22) – Kailangang magpatupad ng ilang adjustment dahil may ba­lakid na maeengkuwentro sa iyong daanan. Magtiwala sa iyong partner. Malayo ang mararating kung kaagapay mo siya sa pagdedesisyon. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Linisin ang dapat linisin at itapon na ang mga hindi kailangan. Ganito rin ang gawin sa mga nagpapakilalang mga kaibigan. Makabubuting putulin na ang koneksyon sa mga taong nagpapabigat lamang. Lucky number for today: 49

VIRGO (August 23- September 22) – Kung nakapagdesisyon ka man at sa palagay mo’y may dapat kang ayusin, huwag pairalin ang pride. Baguhin ang anumang dapat baguhin. Hindi masamang umamin ng pagkakamali kung dito ka naman makaka-move on. Lucky number for today: 13

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ‘Wag katakutan ang mga seryosong sitwasyon. Mas makakakilos nang maayos kung aalisin mo ang kaba. Magtiwala sa sariling kakayahan. Lucky number for today: 57

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang isang inaakala mong walang silbi ay may halaga pa. Pag-aralang mabuti ang bawat opsyon. Makikita mong kaya mo pang sagipin ang relasyon. Lucky number for today: 28

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung nararamdaman mong hindi ka naa-appreciate ng taong mahal mo, tingnan munang mabuti ang sitwasyon. Maaring meron lamang siyang pinagdadaanan. Lawakan pa ang pang-unawa. Lucky number for today: 50

CAPRICORN (December 22-January 19) – Bago mo tanggapin ang isang tao sa buhay mo, tingnan muna kung may paglalagyan siya. Kung masyado ka namang abala sa ibang bagay, ano pa ang silbi na nariyan siya? Lucky number for today: 40

AQUARIUS (January 20-February 18) – Masyado kang napopokus sa expectations ng ibang tao sa iyo. Gawin mo muna ang lahat ayon sa kagustuhan mo at hindi ayon sa ini-expect ng taong ito sa iyo. Lucky number for today: 5

PISCES (February 19-March 20) – Isang bahagi ng nakaraan ang biglang sisingit sa iyong kasalukuyan. Kailangan nito ng atensyon. Resolbahin agad ang isyu para tuluyan na siyang maging bahagi ng nakaraan. Lucky number for today: 17