Una sa Balita

Horoscope 04/26/19

0 209

ARIES (March 21-April 19) – Huwag kang mabuhay sa nakaraan. Hindi masamang sulyapan paminsan-minsan ang nangyari sa kahapon pero kung patuloy kang magpapaapekto, hindi ka na makaka-move on. Magpokus sa ngayon at bukas bago ka malagpasan ng napakara­ming oportunidad. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi ka masyadong makakaasa ng tulong sa ibang tao ngayong araw na ito. Pinakamainam pa rin na humingi ka ng tulong sa kapamilya bago sa iba. Sila ang higit na nakakaunawa sa iyo. Lucky number for today: 21

GEMINI (May 21-June 20) – Masyado mong pinalalaki ang isang bagay kaya nagsisilbi na itong multo sa harapan mo. ‘Wag bigyan ng power ang sinuman para sirain ang araw mo at pati na ang buong buhay mo. Lucky number for today: 8

CANCER (June 21-July 22) – Masyadong nakaka-harrass ang mga nagdaang araw. Isang pagbabago sa relasyon ang lalo pang magpapahirap sa iyong kalooban. Wag ka munang mag-expect sa loob ng mga darating na araw. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Isang bagay na matagal nang nagpapahirap sa kalooban mo ang mareresolba ngayon. Malaking tinik ang mabubunot sa iyong dibdib. Pero hindi pa ito ang katapusan kaya manatiling alerto. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23- September 22) – May kakayahan ka ngayon na gumawa ng pagbabago na may malaking epekto sa lahat. Kung ito’y may kinalaman sa isang pagganti, huwag na itong ituloy sa halip ay piliin ang pagpapatawad. Lucky number for today: 57

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May isang pagbabago na hindi mo na mapipigilan. Sa umpisa ka lamang mahihirapan at sa katagalan mare-realize mong wala namang dahilan para ito labanan. Maging matapang sa pagharap sa anumang hamon. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23-November 21) – Lahat ay kaya mong ma-accomplish kung ipopokus mo lamang ang iyong isip sa ginagawa mo. Ngayon ang magandang pagkakataon sa isang pagsisimula. Magtiwala sa iyong kakayahan. Lucky number for today: 46

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – May kaguluhan at kalituhan sa paligid. Pero tingnan mo na lamang ang bigger picture at makikita mo kung ano ang dapat mong maging aksyon. Gawing makabuluhan ang bawat ginagawa mo. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi mo kayang baguhin ang lahat ng tao kahit kapamilya mo pa. Hindi mo sila puwedeng igaya sa iyo. Kung patuloy na iimpluwensiyahan ang isang mahal mo, mas lalo lamang siyang kakawala sa iyong kontrol. Lucky number for today: 32

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Masyado mo nang pinahihirapan ang iyong sarili at kailangan mo ng pahinga. Maaabot mo na ang iyong limitasyon kaya huminto muna at dumistansya sa aksyon. Ipahinga ang isip at muling mag-recharge. Lucky number for today: 46

PISCES (February 19-March 20) – May dramang hatid ang araw na ito. Hindi pa malinaw pero may posibilidad na konektado ito sa ilang kaibigan. Ikaw ang kailangang pumapel na tagapamagitan. Lucky number for today: 33

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy