Una sa Balita

Horoscope 04/25/19

0 183

ARIES (March 21-April 19) – Sa araw na ito, bigyang importansya ang iyong mahal at ang iyong pamilya. Ipakita sa kanila kung gaano sila kahalaga sa buhay mo. May pagkakataong nakakaligtaan nating banggitin ang pagmamahal sa mga kinauukulan. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag mag-expect na lagi kang nasa number one. Sa araw na ito, makuntento muna sa mas mababang ranggo. Wala ka nang kaila­ngang patunayan lalo na sa iyong pamilya at mga kaibigan. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – Isang taong laging loyal sa iyo ang may gagawin ngayon na hindi mo magugustuhan. Bago tuluyang putulin ang tulay na namamagitan sa inyong dalawa, alamin mo munang mabuti ang ugat ng mga pangyayari. Lucky number for today: 56

CANCER (June 21-July 22) –Kung kaila­ngan mong magpakitang gilas sa isang kasamahan sa trabaho, ngayon ang tamang pagkakataon. Alam mo kung ano ang dapat sabihin at dapat gawin ngayon. Maging ang mga nasa mataas na posisyon ay susuporta sa iyo. Lucky number for today: 48

LEO (July 23-August 22) – Bigyan ng pahinga ang sarili. Kung laging sagad ang pagod mo, malalagay sa alanganin ang iyong kalusugan. Kailangan mo ng sapat na enerhiya sa mga susunod pang araw. Lucky number for today: 6

VIRGO (August 23- September 22) – Mahihirapan ka ngayong magpakatotoo sa iyong nararamdaman. Ito’y dahil natatakot kang masaktan. Alisin na ang takot na hatid ng iyong nakaraan. Lucky number for today: 12

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi mahirap para sa iyo ngayon na ipakita ang tunay mong nararamdaman. At dahil dito, ang iyong mga pakiki­pagrelasyon, pangkaibigan man o romantikong relasyon, ay lalo pang magiging matibay. Lucky number for today: 41

SCORPIO (October 23-November 21) – Wag sayangin ang oras sa pagmumukmok. Kailangan mong lumabas at muling hanapin ang rason para maging mas masaya. Isang bagong inspirasyon ang kaila­ngan para muling bumalik ang sigla mo lalo na kung may kinalaman ito sa trabaho. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mahirap magpanggap na masaya kung hindi naman ito ang nararamdaman mo. Sa pagkakataong ito, kailangan mong maging open sa iyong tunay na nararamdaman. Makakaunawa ang mga tao sa paligid mo. Lucky number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan ka nga­yon ng isang kaibi­gan. Gawin ang lahat para mapagaan ang kanyang pinagdaraanan. Sa mga darating na araw, ikaw ang tatayong sandalan niya. Lucky number for today: 4

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Maraming gustong makasama ka ngayon. Isa sa mga taong ito ang may iaalok na bagong opsyon at makakatulong para sa iyong career. ‘Wag palagpasin ang pagkakataon kung nais mo ng pagbabago. Lucky number for today: 17

PISCES (February 19-March 20) – Mas magiging abala ka sa mga susunod na araw. Hindi lamang ang katawan ang kailangan ng pahinga kundi ang isip din at emosyon na masyadong nabubugbog sa mga nagdaang pangyayari. Lucky number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy