Una sa Balita

Horoscope 04/24/2019

0 321

ARIES (March 21-April 19) – Bigyan ng reward ang sarili mo. Hindi naman kailangang maging magastos dahil kahit sa mga simpleng bagay ay puwede kang sumaya. Kadalasan libre lang ang pagsasaya lalo na kung ito’y sa piling ng taong nagpapakulay ng iyong mundo. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mo ng makakapagpabalik ng iyong sigla. Maaring isang bagong inspirasyon ang hinahanap ng puso mo. Kung wala nang gana sa iyong pinagkakaabalahan, dapat mo nang ikonsidera ang iba pang opsyon. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag nang maghintay ng permiso sa ibang tao para gawin ang gusto mo. Hindi mo kailangan ang approval ng karamihan. Alala­haning hindi mo kayang pasayahin ang lahat ng tao. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Hindi ka komportableng magpakitang-gilas pero dahil inspirado ka, lulutang at lulutang sa paningin ng nakararami ang iyong husay. Wag ikahiya ang iyong talent. Marami ang nakaka-appreciate sa iyo ngayon. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – Maari kang malagay sa sentro ng atensyon sa iyong personal na buhay maging sa trabaho. Makikita ng mga tao sa paligid mo ang iyong positibong pananaw at mas haha­ngaan ka nila dahil dito. Ipinanganak ka para maging isang tunay na lider. Lucky number for today: 54

VIRGO (August 23- September 22) – Isang taong kasalungat mo sa personalidad ang makakaagaw ng iyong atensyon. May hatid na atraksyon ang inyong pagkakaiba ng interes. Posibleng mauwi ito sa romansa kung naghahanap ka pa lamang ng mamahalin. Lucky number for today: 30

LIBRA (September 23-October 22) – Marami kang magagan­dang ideya pero hindi lahat ay kumbinsido. May ilang tutol sa iyong mga plano dahil meron silang ideyang ipinag­lalaban. Sa halip na ipagpilitan ang iyong kagustuhan, hindi masamang pakinggan ang lahat at nang makabuo ng isang planong papabor sa lahat. Lucky number for today: 29

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung naghahanap ka ng mamahalin, may posibilidad na may makikilala kang isang taong magpapabilis ng tibok ng iyong puso. Bagong atraksyon na kung bibigyan ng pagkakataon ay puwedeng mauwi sa isang bagong romansa. Lucky number for today: 38

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi mo kayang sabay-sabayin ang iyong mga responsibilidad. May mga pa­ngako kang kailangang tuparin at dapat mong ibigay ang iyong best effort upang hindi sila mabigo. Lucky number for today: 52

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ilang tao ang nagtampo sa iyo sa mga nakaraang araw pero mare-realize din nila na isa lamang hindi pagkakaunawaan ang nangyari at wala kang motibong personal. Kailangan mo ring ma­ging maingat upang hindi na ito maulit. Lucky number for today: 33

AQUARIUS (January 20-February 18) – Iwasang mapikon at ‘wag personalin ang mga natatanggap na kritisismo. Hindi lahat ay kaaway dahil ang iba ay sinsero sa kanilang ini­aalok na tulong. Lucky number for today: 42

PISCES (February 19-March 20) – I­ngatan ang mga luma­labas sa iyong bibig sa loob ng araw na ito. Ang inaakala mong pagbibiro lamang ay seryosong isyu sa ilan. Hindi lahat ay katulad mo ng pana­naw. Lucky number for today: 51

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy