Una sa Balita

Horoscope 04/23/19

0 291

ARIES (March 21-April 19) – Magpokus sa mga detalye dahil dito nakasalalay kung magtatagumpay ka o magkakaroon ng kabiguan sa iyong mga interes. Mas naagapan din ang mga aberya kung agad mong nakikita ang mga pagkakamali kahit nagsisimula pa lamang. Lucky number for today: 42

TAURUS (April 20-May 20) – May kalituhang hatid ang araw na ito pero walang dapat ipag-alala. Dadaan lamang ito. Mahirap iwasan ang isang bagong atraksyon lalo na kung hindi ka didistansya. Kung single pa, walang masama kung pagbibigyan ang nararamdaman. Lucky number for today: 4

GEMINI (May 21-June 20) – Pakiramdam mo ngayon lahat ay kaya mong maabot lalo na pagdating sa iyong career. Sa gitna ng kaabalahan, wag kalimutan ang taong nagbibigay sa iyo ng inspirasyon at suporta. Lucky number for today: 43

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mong magbitiw ng isang mabigat na desisyon. Para magawa ito kailangan mo ring talikuran ang isang dating nakagawian. Salubungin ang isang pagbabago nang walang takot. Lucky number for today: 9

LEO (July 23-August 22) – Makakatanggap ka ng pagkilala at mabubuksan ang isang bagong oportunidad. May bagong atraksyon para sa mga single at naghihintay pa lamang ng kanilang special someone. Lucky number for today: 44

VIRGO (August 23-September 22) – May pagkakataon kang makakilala ng isang potensyal na romantic partner. May kailangan ding pagkagastusan. Panatilihing positibo ang pananaw. Lucky number for today: 13

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mas demanding ang aspeto ng iyong lovelife nga­yon pero mas magiging makulay din ang mga pangyayayari. Sa mga may commitment na, posibleng natagpuan mo na ang iyong soul mate kaya ‘wag sirain ang kanyang tiwala. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa araw na ito, hindi maiiwasan ang mga biglaang pagdedesisyon lalo na kung may kinalaman ito sa romansa. Ang mga routine ay puwede munang isantabi at tanggapin ang mga dumarating na pagbabago. Lucky number for today: 15

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Malaki ang maitutulong ng ilang kaibigan para sumigla ang iyong pakiramdam. Tiyakin lamang na hindi masosobrahan ang pagsasaya. May posibilidad din ang isang bagong romansa na ipapakilala ng isang matagal nang kaibigan. Lucky number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung nagmamadali ka, mahihirapan kang abutin ang goals mo ngayon dahil sa napakaraming distraksyon sa paligid. Gayunpaman, may hatid namang saya at bagong kulay sa iyong mundo ang isa sa mga distraksyong ito. Lucky number for today: 2

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magandang pagkakataon ang ihahatid ng araw na ito para sa romansa. Isang bagong kakilala ang magpapakulay ng iyong mundo at posibleng ang atraksyon ay sa unang pagkikita. Lucky number for today: 14

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang dumistansya muna sa mga nagpapagulo sa iyong isip. Kung ito’y isang indibidwal, ang paglayo ay makakatulong para mas makapag-isip ka kung tama ang iyong mga ikinukonsiderang gawin. Lucky number for today: 37

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy