Una sa Balita

Horoscope 04/22/19

0 267

ARIES (March 21-April 19) – Ipakita ang iyong pagmamahal kahit gaano na katagal ang relasyon. May pagkakataong hindi mo nasasabi ang salita ng pagmamahal kaya naman napapasok ng insecurities ang iyong lovelife. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Matapos ang mga araw ng pampamilya at pangkaibigang bonding, sa araw na ito ay naghahanap ka naman ng panahon para mapag-isa. Unahin muna ang mga tambak na trabaho at bigyan ng solo time ang iyong sarili pagkatapos. Lucky number for today: 27

GEMINI (May 21-June 20) – Pagkatapos ng bakasyon, maraming ideya ang umiikot sa iyong iisip. Bigyan ito ng atensyon dahil ilan dito ang magagamit mo para matiyak ang tagumpay at ang iyong mga panga­rap sa buhay. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Marami ang naniniwala sa iyo at kasama na rito ang mga taong nasa tamang posisyon. Samantalahin ang pagkakataong ito para lalo pang ipakita na karapat-dapat ka nga sa kanilang pagtitiwala. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Nasa mood ka kung saan walang makakapigil sa mga plano mo. Kung nakulangan ka sa excitement sa mga nagdaang araw, ngayong araw na ito ay hindi ka na kailangang maghanap pa. Lucky number for today: 50

VIRGO (August 23- September 22) – Likas sa iyo ang pagiging generous at mapagbigay. Pero kung apektado na ang resources mo, kailangang magpreno muna at unahin ang sariling pangangaila­ngan. Lucky number for today: 39

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Nasa romansa ang pokus ng araw na ito. Maaring isang indibidwal ang na-miss mo sa nagdaang bakasyon. Hindi masamang ikaw ang maunang magpakita ng espesyal na atensyon. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23-November 21) – Lahat ay kaya mong gawin para sa isang kaibigan. Ang pagtulong na ito ay walang hinihintay na kapalit. May panganib lamang na masyadong masanay ang taong ito at patuloy na mag-expect ng pag-alalay mula sa iyo. Lucky number for today: 56

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ipabatid sa iyong special someone kung gaano siya kahala­ga. ‘Wag kontrolin ang iyong damdamin dahil deserve ng iyong mahal na maramdaman kung gaano siya kaespesyal sa puso mo. Lucky number for today: 40

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang bagong relasyon o kaya’y atraksyon ang namumuo. Maaari ring may commitment ka na pero hindi maiwasan ang iyong nararamdaman. Kakailanganin mong dumistansya para walang ibang masaktan. Lucky number for today: 23

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Hindi mo kayang pagbigyan ang lahat ng tao. Hindi maiiwasang masaktan ang iba kung hindi mo sila mabigyan ng atensyon. Sa pagkakataong ito, piliin muna kung sino ang higit na mahalaga para sa iyo. Lucky number for today: 35

PISCES (February 19-March 20) – Magsisilbing reward ang isang makulay na insidente na may kinalaman sa isang hindi sinasad­yang pagkikita. Maraming­ alaala ng nakaraan ang mabubuhay at magbibigay inspiras­yon para sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 3

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy