Una sa Balita

HOROSCOPE 04/21/19

0 210

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ito ang magandang pagkakataon para gumawa ng desisyon sa isang importanteng relasyon. Maghintay ng ilang araw at tingnan muna kung ano ang magiging takbo ng relasyon dahil posibleng hindi mo na kakailanganin ang pagbabagong pinag-iisipan mo. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang seryosohin ang isang insidente ngayon. Kailangan mo lamang magpalamig at muling maibabalik sa dati ang isang samahan. Kalma muna sa mahalagang araw na ito ng Linggo ng Pagkabuhay. Lucky number for today: 2

GEMINI (May 21-June 20) – Kung ina­akala mong kaya mo nang hawakan ang isang sitwasyon nang mag-isa ka lamang, nagkakamali ka. Kailangan mo ngayon ng alalay at may mga kaibigan na handang ibigay sa iyo ang assistance na hanap mo. Lucky number for today: 11

CANCER (June 21-July 22) – Maaring hindi ka komportable sa nararamdaman mo ngayon pero may isang tao ang laging nagiging laman ng isip mo. Sa mga susunod na araw, posibleng hindi mo na maitago ito lalo na sa kinauukulan. Lucky number for today: 55

LEO (July 23-August 22) – Ilagay sa tamang perspektibo ang pangyayari ngayon. May isa o dalawang sitwasyon na nakakagulat pero kung hindi ka magiging emosyunal, makikita mong kayang-kaya mo itong harapin. Lucky number for today: 16

VIRGO (August 23- September 22) – Iwasan ang masyadong pagdududa. Masyado mo lang pinagagana ang iyong imahinasyon kaya marami kang naiisip. Magpokus muna sa ibang bagay upang maibalik ang lahat sa tama. Lucky number for today: 19

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung meron mang nagiging hadlang, patuloy magtiwala sa iyong sarili at sa ginagawa o ipinaglalaban mo. Ang pagdududa ay maaari lamang makadiskaril sa iyong diskarte. Marami kang kailangang patunayan. Lucky number for today: 29

SCORPIO (October 23-November 21) – Nasa mood ka ngayon kung saan lahat ay inaakala mong may isyu laban sa iyo. Alisin ang mga negatibong alalahanin. Panahon ito ng pagpapatawad. Lucky number for today: 1

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Huwag mong pakaisipin ang iniisip o sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo. Ipagpatuloy mo lamang ang ginagawa mo at dedma na sa mga taong tila laging kumokontra sa iyo. Lucky number for today: 25

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mag-ingat sa pakikitungo sa mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Kung maaari, mas makabubuting dumistansya muna upang makaiwas sa anumang tensyon. Hindi ito ang tamang araw para maki­pagdiskusyon. Lucky number for today: 40

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi lahat ay matatawa sa mga jokes mo ngayon. Hindi mo rin responsibilidad na pasayahin ang lahat ng tao. Lucky number for today: 26

PISCES (February 19-March 20) – Hindi puwedeng kalahati lamang ng konsentrasyon ang gumagana ngayon. Kung may kailangang gawin, ibuhos ang iyong best effort. Marami ang nagmamasid sa iyo at kailangan mong mag-iwan ng magandang impresyon. Lucky number for today: 30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy