Una sa Balita

Horoscope 04/18/19

0 294

ARIES (March 21-April 19) – Hindi masamang maging prayoridad ang sarili paminsan-minsan pero kung magiging kapalit nito ang paglayo ng ilang tapat na kaibigan, may kailangan kang ayu­sin. Mahihirapan kang itama ang mali kung ito’y patatagalin kaya kumilos agad. Lucky number for today: 14

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang maging mapangahas lalo na kung may kinalaman ito sa iyong goals sa buhay. Malapit ka na sa tagumpay kaya ‘wag na ‘wag bibitiw. Iwan muna ang iyong comfort zone. Lucky number for today: 31

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag mong payagan na maging pabigat sa iyo ang mga pagkakamaling nagawa mo sa nakaraan. Tumutok na lamang sa hinaharap at alisin na sa isip ang hindi magandang kahapon. Ang lahat ng pagkakamali ay kaya mong ituwid. Lucky number for today: 50

CANCER (June 21-July 22) – Marami kang kayang gawin ngayon at sa mga susunod na araw. Magtiwala lamang sa iyong kakayahan at makikiayon sa iyo ang mga pangyayari. Mapapasaiyo ang hina­hangad mo kung dadagdagan ang pagsisikap. Lucky number for today: 2

LEO (July 23-August 22) – Kung gusto mong magpa-good shot sa isang taong nasa mataas na posisyon, ngayon ang tamang pagkakataon. Ipaalam sa lahat na handa ka nang harapin lahat ng hamon para mas mabigyan ka ng tsansa. Lucky number for today: 44

VIRGO (August 23- September 22) – Hinaharap mo ba ang isang hamon o hinihintay mo lamang itong mawala sa harap mo? Kahit mas gusto mong umiwas, walang ibang opsyon kundi maging matatag at matapang. Lucky number for today: 53

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Naitak­da mo na ang goals mo, kailangan mo lamang kumilos para abutin ito. Nakikiayon ang mga pangyayari kaya tigilan na ang pag-iisip at oras na para sa pagkilos. Lucky number for today: 15

SCORPIO (October 23-November 21) –Hindi ka makakakuha ngayon ng simpatiya kaya wag nang sayangin ang oras sa pagkukuwento ng mga problema mo. Sa loob ng araw na ito, higit na mahalaga ang magsolo ka muna sa mga aksyon na kaila­ngan. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi ka karaniwang sensitibo sa mga komento pero sa araw na ito, mas sensitibo ka at mas madaling mapikon. Dumistansya muna kung ayaw mo ng tensyon. Lucky number for today: 17

CAPRICORN (December 22-January 19) – Malapit na ang tagumpay kahit sa unang akala mo ay puro kabiguan lamang ang dumarating sa iyo. Mapapatunayan mo sa mga darating na araw na nasa tamang landas ka. Lucky number for today: 34

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Mas marami kang maa-accomplish ngayon. Tingnan mo rin kung ano ang magagawa mo para mabigyan ng benepisyo ang nakararami. Marami ang patuloy na umaasa sa iyo. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – Kung patuloy kang magpapatumpik-tumpik sa pagdedesisyon, mawawala na ang pagkakataon para sa iyo. Wag magsayang ng oras. Sundin mo ang iyong kutob at hindi ka malilihis ng direksyon. Lucky number for today: 16

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy