Una sa Balita

Horoscope 04/17/2019

0 217

ARIES (March 21-April 19) – Walang rason para magduda sa lahat ng tao. Hindi ka pinagkakaisahan. May isa o dalawang tao lamang na hindi ka talaga feel pero wala namang ginagawang masama sa iyo kaya iwasang magpokus sa mga negatibong alalahanin. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – Mas mataas ngayon ang iyong kumpiyansa at ito’y dahil sa ipinapakitang pagmamahal at suporta ng isang partikular na indibidwal. Samantalahin ang inspirasyon na nagmumula sa puso at mas marami kang maa-accomplish. Lucky number for today: 40

GEMINI (May 21-June 20) – Habang nagpopokus ka sa isang negatibong bagay, lalo lamang itong nagkakaroon ng lakas para guluhin ang buhay mo. Makakabuting magpokus muna sa mga positibong pangyayari. May mga usaping ta­nging panahon lamang ang makakasagot. Lucky number for today: 35

CANCER (June 21-July 22) – Mas gusto mong kinikimkim ang iyong emosyon pero sa pagkakataong ito, mahihirapan kang gawin ito. Walang dapat ikahiya kung paminsan-minsan ay naaabot mo na ang iyong limitasyon at kailangan mo nang magsalita. Lucky number for today: 18

LEO (July 23-August 22) – Ang lahat ng pinag-uukulan mo ng effort ay nagiging produktibo. Samantalahin ang pagkakataong ito para tapusin ang mga naiwan mong trabaho. Pinapaboran din ang pagpasok sa anumang transaksyon. Lucky number for today: 20

VIRGO (August 23-September 22) – Nasa romansa ang pokus ng araw na ito pero may kailangan kang pag-ingatan. Tiyaking wala kang sinasagasaang ibang tao at wala kang sinasaktan. Lucky number for today: 47

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung nais mo ng pagbabago, ngayon ang tamang pagkakataon para umpisahan ito. Pero isama mo sa plano ang iyong mga kasamahan o kaibigan. Mas madali kang makakakilos kung makukuha mo ang suporta ng lahat. Lucky number for today: 42

SCORPIO (October 23-November 21) – Pinapaboran ang mga social activity kaya hindi masamang pagbigyan ang pag-aaya ng mga kaibigan. Hindi rin masamang ikonsidera ang isang pagbibiyahe ngayong bakasyon. Lucky number for today: 26

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga positibong pangyayaring parating. Maaari itong mag-umpisa ngayon hanggang bukas. Tiya­king maagap pa lang ay nakaplantsa na ang lahat ng iyong mga plano. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Makapaghihintay ang ilang obligasyon. Bago ibuhos ang oras mo sa ibang tao, unahin muna ang sarili mo. Tiya­king maipapahinga ang isip at katawan ngayong bakasyon. Lucky number for today: 27

AQUARIUS (January 20-February 18) – ‘Wag magpatalo sa takot. Sapat ang iyong talent at abilidad para gawin ang tungkuling ipinasa sa iyong balikat. Patuloy na magtiwala. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag nang pairalin ang pride. Mas madali ngayong makipag-usap sa mga tao kahit ang mga hindi mo karaniwang kasundo. Ito na ang tamang pagkakataong hinihintay mo. Lucky number for today: 12

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy