Una sa Balita

Horoscope 04/17/2018

0 378

ARIES (March 21-April 19) – May hatid na tensyon ang araw na ito para sa iyo. Kahit ang mga taong kaharap mo ay tila mahirap ngumiti. Hindi rin nalalayo ang isang argumento kaya makabubuting umiwas na habang may panahon pa. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Sa isang relasyon, hindi uubra kung laging ang partner mo ang nasusunod. Sa araw na ito, makabubu­ting isipin mo rin ang kapakanan at kagustuhan mo. Kailangan magkaroon ng balanse upang mas tumagal ang relasyon. Lucky number for today: 30

GEMINI (May 21-June 20) – Paborableng araw ito para sa romansa. Sa mga naghahanap pa lamang ng mamahalin, may mabubuksang oportunidad habang ang mga committed na ay mas lalo pang lalalim ang relasyon. Lucky number for today: 39

CANCER (June 21-July 22) – Mahirap para sa iyo ngayon ang makisalamuha particular sa maraming tao. Mas makabubuting­ umiwas kung hindi komportable sa isang sitwasyon. Lucky number for today:29

LEO (July 23-August 22) – Komportable ka sa nangyayari subalit ang taong kaharap mo ay hindi. Gustuhin mo man ang magsakripisyo para sa taong ito, hindi makikisama ang pagkakataon. Lucky number for today: 7

VIRGO (August 23-September 22) – Walang time out kahit gustuhin mo. Sa pagkakataong ito, hindi paborable ang anumang distraksyon. Kailangan mong magpokus upang hindi magkaroon ng mga aberya. Lucky number for today: 17

LIBRA (September 23-October 22) – May pagkakataong kailangan mong masaktan ang isang taong malapit sa iyo para sa katotohanan. Hindi makakatulong kung patuloy kang magkukunwari. Pareho lamang kayong mahihirapan. Lucky number for today: 44

SCORPIO (October 23-November 21) – May tensyon sa isang relasyon. Kakailanganin ang pakikipag-heart-to-heart talk. Sabihin ang lahat ng dapat sabihin. Hindi makakatulong ang pagpapanggap. Lucky number for today: 5

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Makikiayon ang araw na ito sa mga gusto mong mangyari particular sa aspeto ng lovelife. Mahirap ding umiwas sa isang lumalalim ng atraksyon sa isang special someone. Lucky number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung ikinukonsidera ang isang paglayo, kailangan muna itong pag-aralang mabuti. Gaano man kasalimuot ang iyong career sa kasalukuyan, pansamantala lamang ang nangyayari. Habaan pa ang pagtitiiis. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Mahirap para sa iyo ngayon ang araw na ito ang makiharap sa ilang tao lalo’t mataas ang iyong emosyon. Sikaping kumalma dahil walang mabuting idudulot kung magpapatangay sa bugso ng galit. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – Maraming distraksyon sa paligid. Sa kabila nito, mas mag-eenjoy ka sa ginagawa mo kung alam mong may nagmamasid sa iyo. Hindi masamang pagbigyan ang sarili na makapagpakitang-gilas. Lucky number for today: 4