Una sa Balita

Horoscope 04/16/19

0 230

ARIES (March 21-April 19) – Kung tamang pagkakataon ang hinihintay mo, ngayon na dapat kumilos. Pinapaboran ka sa lahat ng gagawin mo kaya kaya mong manalo. Kalimutan muna ang mga inaakala mong li­mitasyon. Lucky number for today: 6

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mong pakisamahan ngayon ang isang taong hindi mo kasundo kaya malaki ang posibilidad na mauwi ito sa tensyunadong sitwasyon. Gawin ang mas makabubuti, ibigay ang iyong best effort at iwasan na lamang magbigay ng komento. Lucky number for today: 13

GEMINI (May 21-June20) – Hindi ka magiging masaya kung wala ka sa gitna ng aksyon. Malayo man o malapit lamang ang kailangan mong puntahan ay hindi na isyu dahil ang aksyong kasama nito ang hanap mo. Lucky number for today: 21

CANCER (June 21-July 22) – May mga taong tila itinutulak kang umaksyon at magdesisyon nang big­laan. ‘Wag patangay sa kanilang pamimilit. Buhay mo ang numero unong maapektuhan kaya mag-isip muna kahit gaano pa katagal ang abutin. Lucky number for today: 54

LEO (July 23-August 22) –  Kaya mong makuha anuman ang gusto mo ngayon. Ang tangi lamang kaila­ngang gawin ay hilingin ito. Pinapaboran ka sa araw na ito kaya samantalahin ang magandang pagkakataon. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Natatakot kang sa posibleng negatibong reaksyon ng isang taong importante sa iyo pero kailangan mo pa ring sabihin ang katotohanan. Mas hahangaan ang taong nagsasabi ng totoo anuman ang maging resulta nito. Lucky number for today: 29

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May ilang taong hindi nakikiayon sa ginagawa mo pero kailangan mo itong gawin. Hindi ito ang pagkakataon para umaktong tagasunod. Dedma muna sa sinasabi ng iba at gawin ang idinidikta ng iyong konsensya. Lucky number for today: 5

SCORPIO (October 23-November 21) –Pabagu-bago ang mood mo ngayon. Mas malamang din na gawin mo ang kasalungat ng anumang ini-expect ng karamihan mula sa iyo. Lucky number for today: 18

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nasa holiday mode ka na at kahit may pasok pa, nagha­hanap na ng pahinga at pagrerelaks ang iyong isip at katawan. Tapusin na ang mga naghihintay na trabaho nang makapagpokus sa pinapangarap mong ilang araw na pahinga. Lucky number for today: 20

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang sikreto ang posibleng malantad sa iba at maaring maglagay sa iyo sa alanganing sitwasyon. Kung walang ibang opsyon at hindi na makaiwas, mag-pretend na lamang na hindi ka apektado. Lilipas din ito. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Mas mapapalapit ka ngayon sa ilang taong malakas ang attitude at kaiba sa nakasanayan mo. Makakatulong ito para madagdagan ng kaunting asim ang buhay. Lucky number for today: 59

PISCES (February 19-March 20) – Hindi mo kailangang baguhin ang iyong nakagawian dahil lamang hindi ito gusto ng ilang tao. Ma­kabubuti rin na manatili sa mga nakasanayang sistema kaysa mag-isip ng iba. Hindi pa ito ang oras para sa pagbabago. Lucky number for today: 46

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy