Una sa Balita

Horoscope 04/15/2018

0 272

ARIES (March 21-April 19) – Pakiramdaman ang sarili, ano ang iyong kutob? Sa araw na ito, sa isang importanteng gagawin mo, importanteng lagay ang loob mo bago sumabak sa aksyon. ‘Wag payagan ang ibang tao na itulak ka sa isang hindi komportableng posisyon. Lucky number for today: 47

TAURUS (April 20-May 20) – Mas matimbang ngayon ang pagnanais na lumabas sa iyong comfort zone. Hindi masamang sumubok sa mga hindi pamilyar na gawain o lugar. Paborable rin na humanap ng mga bagong koneksyon. Lucky number for today: 34

GEMINI (May 21-June 20) – Mas mainam para sa iyo ngayon ang makipag-socialize, maghanap ng mga bagong kaibigan at koneksyon. Makakatulong ang mga taong ito sa malayo pang hinaharap. Hindi masamang ngayon pa lamang ay ihanda na ang daan. Lucky number for today: 9

CANCER (June 21-July 22) – Isang commitment o posibleng isang relasyon ang nagsisimula nang makasakal sa iyo. Nagiging malinaw din ang mga limitasyon mo sa sarili. Kakailanganin nang magdesisyon. Lucky number for today: 37

LEO (July 23-August 22) – May kalituhan sa paligid. Mahirap tiyakin ang iyong hawak na posisyon. May opsyon naman na magbibigay sa iyo ng pagkakataong makapamili. Piliin kung saan ka mas komportable. Lucky number for today: 54

VIRGO (August 23-September 22) – Kilalanin muna nang husto ang isang tao bago palalimin ang iyong commitment sa kanya. Hindi lahat ng nakikita ay totoo. Sa pagkakataong ito, huwag magmadali sa pagdedesisyon. Lucky number for today: 9

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – May mga negatibong pangyayari na puwedeng iwasan kung magiging maagap lamang sa pag-aksyon. Doblehin ang pagmamasid at maiiwasan ang mga aberya. Maraming handang tumulong sa iyo kung kinakailangan. Lucky number for today: 19

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung ikaw ang may kontrol, dapat alam mo kung saan ka patungo. Hindi puwedeng ibang tao ang magdesisyon para sa iyo bagama’t hindi rin naman masamang humingi ng gabay. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mangyayari kung ano ang nakatakda. Pero may kakayahan ka para tiyaking magiging matatag ka sa hinaharap. Doblehin ang pagsisikap upang mapaghandaan ang lahat. Lucky number for today: 57

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag ipagkait ang iyong tulong kung may kakayahan ka namang tumulong. Masusuklian ang lahat ng kabutihan pagdating ng takdang panahon. Lucky number for today: 19

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi masamang ikonsidera ang ibang opsyon kahit nakatutok ka sa isa pa. Kailangan lamang balansehin ang oras at atensiyon. Puwedeng ituring itong isang paghahanda sakaling hindi na umubra ang nauna. Lucky number for today: 52

PISCES (February 19-March 20) – Kung nag-aalangan ka sa isang desisyon at may pagkakataong gumawa ng adjustment, gawin na ito habang maaga. Huwag katakutan ang pagbabago. Ito ang magbubukas ng panibagong direksyon. Lucky number for today: 15