Una sa Balita

Horoscope 04/15/19

0 230

ARIES (March 21-April 19) – May malaking hamon ngayong araw na ito pero makakaya mo naman itong lusutan kung pagtutuunan mo lamang ng konsentrasyon. Hindi ito magiging madali at maihahanda ka rin nito sa mga mas malalaki pang susunod na hamon. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Makinig muna bago kumontra. Kailangan mong maintindihan na hindi lahat ng ginagawa mo ay tama. May pagkakataon na kailangang sumunod sa mga taong mas may malawak na karanasan. Isantabi muna ang pride. Lucky number for today: 50

GEMINI (May 21-June20) – Kung gusto mong may matapos ngayon, kailangan ang tulong ng ibang tao. Sa pagkakataong ito, mistulang amateur ka lang na nangangailangan ng gabay. Magagamit ang mga koneksyon. Lucky number for today: 38

CANCER (June 21-July 22) – Kung inaakala mong pinahihirapan ka ng isang taong mas nakakataas sa iyo ng posisyon, nagkakamali ka. Magpokus na lamang sa ginagawa mo at hindi sa mga pagdududa. Makabubuting mag-low profile muna. Lucky number for today: 19

LEO (July 23-August 22) –  Iwasang ma-involve sa anumang diskusyon na mauuwi sa tensyon. Siguraduhin din na tinutupad mo ang iyong naipangako. Isang kaibigan ang posibleng makasamaan ng loob kung hindi mag-iingat. Lucky number for today: 16

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi ka masyadong emosyunal at karaniwan na sa iyo ang pagiging praktikal pero sa pagkakataong ito may sitwasyong hindi mo maiiwasang maging emosyunal. Wag nang masorpresa kung sa isang usapin ay manaig ang iyong puso kesa sa isip. Lucky number for today: 13

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Isang partnership ang tila gusto mo nang sukuan dahil sa mga samu’t saring isyu. Bago tuluyang makipaghiwalay ng landas, mas makabubuting pag-usapan kung ano ang mga nangyayari at piliing maging tapat upang matantya kung kaya pa itong isalba. Lucky number for today: 45

SCORPIO (October 23- November 21) –  Sarilinin muna ang mga opinyon sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Posibleng hindi ito matanggap ng ilang indibidwal. Pag-aralan mo muna kung anong paraan ang higit na magbibigay benepisyo sa nakararami. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Marami kang kakontrapelo sa araw na ito kasama na rin ang mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Maaring manaig ka sa ilang sitwasyon pero doblehin ang pagiging alerto para hindi mapaghandaan ng ibang tao ang mga kilos mo. Lucky number for today: 42

CAPRICORN (December 22-January 19) – Iwanan na ang nakaraan at magpokus sa kinabukasan. Kailangan mong maging matapang at iwasang maging emosyunal para makapag-move on. Lucky number for today: 54

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi mo gustong minamanduhan pero kailangan mo munang sumunod sa nakatataas kahit masakit sa kalooban mo. Importanteng manatiling propesyunal ang  relasyon at iwasang pasukan ng personalan. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – Sino ang dapat mong pagtiwalaan? Kailangang sukat mo kung bakit pinagtitiwalaan mo sila. May mga katanungang mahirap sagutin. Kaya makabubuting manatili na lamang alerto at sarili lamang muna ang pagtiwalaan. Lucky number for today: 30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy