Una sa Balita

Horoscope 04/14/19

0 438

ARIES (March 21-April 19) – Dedmahin lamang ang negatibong ipinakikita ngayon ng isang kaibigan sa halip mas bigyang pansin ang kanyang mga positibong katangian. Alalahaning lahat tayo ay may pinagdaraanan kaya lawakan pa ang iyong pang-unawa. Lucky number for today: 34

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasan ngayong magbigay ng anumang pangako at commitment. May kalituhan sa paligid at posibleng hindi malinaw sa iyo ang mga kailangan mong tuparin. Ipagpa­liban din ang pagdedesisyon. Lucky number for today: 17

GEMINI (May 21-June 20) – Wala ka sa mood ngayon para magpanggap at game ka na sabihin ang iyong totoong nararamdaman. Handa ka ring harapin ang katotohanan anuman ang maging epekto nito sa kabuuan. Lucky number for today: 11

CANCER (June 21-July 22) – Hindi masamang tumulong pero iwasan namang ikaw na ang kailangang kumilos lahat. Hindi mo kaila­ngang pasayahin lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. Ilan sa kanila ay inaabuso na ang iyong kabaitan. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – Kapag nabigyan ka ng pagkakataong magsalita ngayon, kailangang maghanda ang lahat sa haba ng gusto mong sabihin. Wala kang intensyong itago ang iyong nararamdaman kahit hindi maging katanggap-tanggap sa ilang tao. Lucky number for today: 50

VIRGO (August 23- September 22) – ‘Wag nang palakihin ang isang isyu. Simple lamang ang sitwasyon kaya hindi na kailangang pasukan pa ito ng drama at komplikasyon. Hindi mo rin kailangang kunin ang simpatiya ng lahat. Lucky number for today: 56

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kontrolin mo ang iyong mga sinasabi sa loob ng araw na ito. Maaring matarget mo ang isang taong masyadong mahirap kabangga. Ikaw lamang ang mahihirapan sa idudulot nito kaya makabubuting umiwas na lamang. Lucky number for today: 20

SCORPIO (October 23-November 21) – Naniniwala ka sa sarili mo at siyento por siyento ang kumpiyansa mo. Meron lamang isang indibidwal na hindi kumbinsido sa iyo. Marami kang kailangang gawin para patunayan na mali siya. Lucky number for today: 4

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Iwasang magpokus sa sarili mong importansya. Hindi lahat ng araw ay para sa iyo. May pagkakataong kailangan mong magbigay daan para sa ibang tao. Lucky number for today: 55

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas malamang ngayon na anumang sabihin mo ay ma-misinterpret ng iba. Wala kang magagawa kundi lawakan ng pang-unawa at habaan pa ang pasensya. Kakailanganin mong gali­ngan ang pagbibigay ng paliwanag. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung inaakala mong kailangan mo pang gumawa ng drama para mapagpapansin ngayon, hindi ito kailangan sa halip ay lalo lamang itong magdudulot ng komplikasyon. Maraming nagmamasid sa iyo at kailangan mo lamang na ibuhos ang iyong galing at konsentrasyon. Lucky number for today: 58

PISCES (February 19-March 20) – Mag-ingat sa lahat ng sinasabi. Sarilinin muna ang opinyon lalo na kung alam mong kontra ito sa kagustuhan ng nakararami. May pagkakataong mas papabor ang pananahimik. Lucky number for today: 5

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy