Una sa Balita

Horoscope 04/12/19

0 361

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang palakihin ang isang isyu at ‘wag na ring magkomento pa. Habang nagsasalita ka, ikaw lamang ang lalabas na guilty kaya piliin ang manahimik. Ilang tao ang naghihintay lamang ng pagkakataong mahanapan ka ng butas. Lucky number for today: 2

TAURUS (April 20-May 20) – Sa pagkakataong ito, kailangan mong magpapansin at magpakitang gilas lalo na kung may kinalaman ito sa iyong trabaho. Mas mapapansin ang iyong aksyon kaysa sa pagsasalita. Lucky number for today: 7

GEMINI (May 21-June 20) – Baguhin muna ang estratehiya at lumihis sa nakagawin. Kung may kasamang sorpresa ang iyong approach, mas hindi makakahadlang ang iyong mga kritiko. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Hindi mo gustong marinig pero kailangan. May magandang punto ang iyong partner at kaibigan. Makatutulong sa iyo kung bibigyan ng sapat na oras at atensyon ang kanyang pananaw. Lucky number for today: 8

LEO (July 23-August 22) – Sarilinin muna ang iyong opinyon. Ang pagsasalita ay mag-iiwan lamang ng hindi magandang pakiramdam at possible pang makasakit ka lamang kahit hindi iyon ang intensyon mo. Palipasin muna ang ilang araw. Lucky number for today: 6

VIRGO (August 23- September 22) – Isang pangyayari ang nakaapekto sa iyong kumpiyansa. Bagama’t nakagawa ng kapalpakan, makakabawi ka pa. Hintayin lamang ang ilang araw at magbabalik sa normal ang sitwasyon. Lucky number for today: 43

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ang iyong partner ay buhos na buhos sa kanyang pagpapakita ng pagmamahal pero ikaw ay tila nagdadamot sa kanya. Kung mahalaga siya para sa iyo, pagbigyan ang kanyang pagha­hanap. Lucky number for today: 51

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang isang sitwasyon na inaakala mong madali at simple lamang ay lilitaw na mas masalimuot. Kailangan mo munang huminto pansumandali para makapag-isip ng karapat-dapat na stra­tegy. Lucky number for today: 9

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Ipaalam mo sa kinauukulan kung bakit hindi ka masaya sa kanyang ginawa. Pero gawin ito nang may diplomasya. Kung mangingibabaw ang emosyon, makakasakit ka ng damdamin at mahihirapan kang bawiin ang anumang nasabi mo. Lucky number for today: 18

CAPRICORN (December 22-January 19) – Masyado kang nagbubuhos ng effort para pasayahin lahat ng tao sa paligid mo. Pero ang iba naman ay hindi karapat-dapat. Oras na para piliin lamang ang dapat mong pahalagahan. Lucky number for today: 46

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas mataas ang iyong karisma sa araw na ito at mahihirapan ang lahat para tanggihan ang anumang inilalapit mo. Nakikita ito ng iyong karibal kaya lalo lamang siyang nagngingitngit. Lucky number for today: 14

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mong sabihin ang nasa isip mo. Kahit alam mong hindi ito magiging katanggap-tanggap para sa lahat. Makakalaya ka lamang sa isang sitwasyon, kung lilinawin mo ang ilang isyung nagiging pabigat sa landas mo. Lucky number for today: 39

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy