Una sa Balita

Horoscope 04/11/2019

0 217

ARIES (March 21-April 19) – Hindi kailanman naging mahirap para sa iyo ang umaksyon kahit walang plano pero sa pagkakataong ito, importanteng pag-isipan mo munang mabuti at ikonsidera ang mga gagawin mo. Hindi uubra ang padalos-dalos na aksyon. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – Kung hindi ka sigurado sa gagawin o sa pupuntahan mo, hindi masamang huminto ka muna at pag-isipan ang mga susunod na hakbang. Mas mabuti nang ngayon ka mag-isip kaysa dumating ang pagkakataong kailangan mo pang aminin na nagkamali ka sa inumpisahan. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June 20) – Isang indibidwal ang higit na powerful kaysa sa iyo. Nagkataon lamang na nasa tamang posisyon ka pero hindi ito na­ngangahulugang mas magaling na siya sa iyo. ‘Wag mawalan ng kumpiyansa sa sarili. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – Isang kaibigan ang may gustong iparating pero niya magawa. Kung nararamdaman mo na ito, ikaw na ang maunang magbukas ng usapin. Ngayon higit na kailangan ang iyong pag-alalay. Lucky number for today: 53

LEO (July 23-August 22) – Bihira ka lamang humanap ng advice sa mga taong nasa paligid mo. Pero sa pagkakataong ito, may mabigat na punto ang iyong kasamahan sa trabaho. Importanteng pakinggan mo ito at ikonsidera. Lucky number for today: 33

VIRGO (August 23- September 22) – May ilang taong ugali na ang mang-agaw ng kredito at mas mabilis din silang dumistansya kung sa tingin nila ay may kapalpakang nangyayari. ‘Wag mong gayahin ang mga taong ito at matutong tumanggap at umamin sa kamalian. Lucky number for today: 20

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Habang pilit mong inihahanap ng kasagutan ang isang malalim na tanong, lalo naman itong nagiging mailap. Mas makabubuting idistansya muna ang iyong sarili para magkaroon ng fresh na outlook. Sa malayo ay mas madali mong makikita kung ano ang dapat mong gawin. Lucky number for today: 10

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi ka sumusuko gaano man ka-challenging ang isang sitwasyon. Pero kung hindi naman ikaw ang ugat ng mga aberya, hindi mo kailangang linisin ang pagkakamali ng iba. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Walang dahilan para patuloy mong itago ang nararamdaman. Kahit hindi ka magsalita, kita ng lahat ang iyong emosyon. Hindi ito maitatago sa iyong mga ikinilos sa mga nagdaang araw. Lucky number for today: 17

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mahihirapan kang makipag-usap ngayon sa mga taong nakatataas sa iyo ng posisyon. Sarilinin na lamang ang opinyon kung ayaw mong maging mas masalimuot ang sitwasyon. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nararamdaman mong hindi lahat sinasabi sa iyo ang totoo. Nasa iyo ang pagkakataon para alamin ang mga pangyayari. Kailangan mo nang ma­gising at umaksyon. Lucky number for today: 58

PISCES (February 19-March 20) – Kung inakala mong lahat ng anggulo ay napaghandaan mo na, ngayon mo mapapatunayang may kulang pa. Ito na ang hinihintay mong senyal para ipasok ang pagbabagong matagal mo nang pinag-iisipan. Lucky number for today: 39

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy