Una sa Balita

Horoscope 04/10/2018

0 351

ARIES (March 21-April 19) – Iwasan muna ang pagiging impulsive. Doon ka muna sa mga subok mo na at pamilyar sa iyo. Hindi paborable sa araw na ito ang makipagsapalaran o sumugal sa anumang aspeto ng buhay. Lucky number for today: 3

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi mo gugustu­hing maging ‘second best’ lamang kaya gawin ang lahat para maging ‘the best.’ Kung may kailangan kang sabihin, diretsahin ang kausap at nang hindi magkaroon ng kalituhan. Ibuhos ang iyong determinasyon at makukuha ang iyong tinatarget. Lucky number for today: 8

GEMINI (May 21-June 20) – May mga isyung kailangan nang harapin. Disiplina sa sarili ang pairalin para matapos ang lahat ng nasimulan. Ang mga aberya ay maiiwasan kung walang kapaba­yaan. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Mas sensitibo ka sa araw na ito kesa karaniwan. Iwasang ma-involve sa anumang mainitang sitwasyon. Kapag may nararamdamang tensyon, dumistansiya muna upang hindi lumaki ang isyu. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Tama lamang na manindigan kung alam mong nasa tamang lugar ka. Sa aspeto ng relasyon, gaano man kahalaga sa iyo ang isang indibidwal, hindi mo sila puwedeng turuan. Hayaan mo silang matuto sa sarili nilang karanasan. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23- September 22) – Sa gitna ng kaabalahan, kailangan mo ring dumistansiya pansumandali para makita ang bigger picture ng mga ginagawa mo. Hindi rin masamang kunin ang opinyon ng taong pinagtitiwalaan. Lucky number for today: 23

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung nagawa mo ang lahat ng kailangang gawin, huwag nang mag-isip ng negatibo. Walang dapat ikatakot sa halip ay mas makabubuting magrelaks at ipokus muna sa ibang aspeto ng buhay ang iyong atensyon. Lucky number for today: 4

SCORPIO (October 23-November 21) – May pagkakataong kailangan mong subukan ang mga estratehiyang hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuntento ka lamang sa mga tried and tested. Lucky number for today: 3

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May isang pakiki­pag-usap na kailangang gawin kahit labag ito sa iyong kalooban. Iwasan munang husgahan ang taong kaharap mo. Ang lahat ay puwedeng magbago. Lucky number for today: 13

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung hindi makapag-decide kung ano ang gusto mo, isipin na lamang muna kung ano ang hindi mo gusto. Sa pamamagitan nito, makakapag-isip ka at makakapagpokus sa isang goal na pinakamalapit sa puso mo. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wag sayangin ang iyong panahon at atensyon sa isang negatibong tao gaano man siya kalapit sa iyo. Gusto lamang niya ng kakampi pero wala itong mabuting idudulot sa iyo. Sa halip, magpokus sa positibong aspeto ng lahat. Lucky number for today: 42

PISCES (February 19-March 20) – May mga pagkaantalang posibleng mangyari at ito’y may kinalaman sa mga pagdududa o suspetsa. May kinalaman din ito sa isang hindi magandang nakaraan na dapat mo nang tuluyang talikuran. Lucky number for today: 32