Una sa Balita

Horoscope 04/10/19

0 307

ARIES (March 21-April 19) – Wala kang dapat patunayan sa mga tao sa iyong paligid. Habang pinahahalagahan mo ang anumang ginagawa mo, hindi na isyu kung swak ito o hindi sa panlasa ng iba. Higit sa lahat, ikaw ang kailangang may kontrol sa buhay mo. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – Kung meron kang kanegosasyon, iwasang ipahalata kung ano ang tunay mong intensyon para ikaw ang manaig. Iwasan ding ipakita ang lahat ng barahang hawak para hindi ka mapaghandaan sa mga plano mo. Protektahan ang iyong sariling interes. Lucky number for today: 4

GEMINI (May 21-June 20) – May mga pangarap na sadyang nakatakdang maging pa­ngarap na lamang. ‘Wag nang maghabol lalo na kung may kinalaman ito sa isang pagsintang wala namang katugunan. Move on na rin. Lucky number for today: 23

CANCER (June 21-July 22) – Wala ka nga­yon sa mood para mag-umpisa ng mga mabibigat na trabaho. Hindi naman masamang magdahan-dahan nang sa gayon ay maiiwasan mong magkamali at mag-ulit habang hindi mo pa kapado ang dapat gawin. Lucky number for today: 40

LEO (July 23-August 22) – Higpitan muna ang sinturon pati na ang iyong partner na may tendency na gumastos nang wala sa oras. Hintayin munang mabalik sa ayos ang iyong pinansyal na kalagayan bago mag-isip ng mga planong pagkakagastusan. Lucky number for today: 13

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi lahat ay kaya mong kumbinsihin sa iyong pagmamahal. May mga taong kahit anong gawin mo ay bulag at hindi makaramdam. Pero hindi rin naman ito sapat para isuko ang iyong nararamdaman. Lucky number for today: 11

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

LIBRA (September 23-October 22) – Siguraduhing laging nakatapak sa lupa ang iyong mga paa. Hindi lisensya ang tagumpay para makalimutan ang mga taong naging gabay mo. Importante pa rin na patuloy mong naa-appreciate ang mga tunay na kaibigan. Lucky number for today: 29

SCORPIO (October 23-November 21) – Siguraduhing hindi masyadong mataas ang mga expectation mo hindi lamang sa ibang tao kundi sa iyong sarili. Maging mas realistic sa iyong mga goals. Bigyan din ng pang-unawa ang mga tao sa kanilang nagagawang pagkakamali. Lucky number for today: 22

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Iwasang masangkot sa away o argumento ng ibang tao. Kung wala namang kinalaman sa personal mong buhay ang isang isyu, distansya muna at iwasang magpakita ng pagkampi kaninuman. Lucky number for today: 26

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gawin ang gusto mo kahit ano pa ang sinasabi ng ibang tao. Ang una mong responsibilidad ay nasa sarili mo. Kung hindi ka maligaya sa ginagawa mo, anong silbi pa ng lahat ng effort na ibinubuhos mo? Lucky number for today: 27

AQUARIUS (January 20-February 18) –Hindi masamang bumili ng gadget kung marami kang sobrang pera. Pero may ilang indibidwal na masyadong nakabantay sa mga paggastos mo. Posibleng lumapit sila sa iyo at manghiram ng pera. Lucky number for today: 48

PISCES (February 19-March 20) – Kanya-kanyang bersyon lamang ng mga alalahanin at problema sa buhay pero ‘wag nang sayangin ang effort sa pagwowori sa problema ng iba. Unahin mo muna ang mga personal mong isyu bago pahirapan ang sarili sa isyu ng iba. Lucky number for today: 2

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy