Una sa Balita

Horoscope 04/09/19

0 285

ARIES (March 21-April 19) – Hindi laging ikaw ang nasa tama kaya mas makabubuting ikonsidera rin ang sinasabi ng iba. Mas magiging magaan ang trabaho kung maraming nagtutulong-tulong hindi lamang sa pag-aksyon kundi maging sa pagbibigay ng ideya. Lucky number for today:  55

TAURUS (April 20-May 20) – May excitement na naghihintay at may pagbibiyaheng magaganap. May oportunidad kang ibahagi sa iba ang iyong mga natutuhan. ‘Wag ipagdamot ang iyong kaalaman. Lucky number for today: 10

GEMINI (May 21-June 20) –  Isang taong itinuturing mong kaibigan ay may kinikimkim palang sama ng loob. May posibilidad na gumawa siya ng isang bagay na ikakasama mo ng loob. Ipinapaalala lamang nito na hindi lahat ng taong nakangiti sa iyo ay kaibigan. Lucky number for today: 42

CANCER (June 21-July 22) –  Isang isyu na maituturing mong kontrobersyal ang magiging sentro ng araw na ito. Iwasan lamang na may masagasaan kang mga indibidwal na nasa mas mataas na posisyon dahil hindi mo magugustuhan ang kanilang reaksyon. Lucky number for today: 36

LEO (July 23-August 22) –  Kung hindi ka komportable sa imbitasyon ng isang partikular na indibidwal, huwag pilitin ang sarili. Walang sinumang makakapuwersa sa iyo na gawin ang hindi mo gusto. Wala kang obligasyon sa kanila. Lucky number for today: 20

VIRGO (August 23- September 22) – Nagpapasukan na ang mga aberya sa isang proyekto na inakala mong madali lamang. Dagdagan pa ang tiyaga at ‘wag muna itong isuko. Palipasin muna ang ilang araw at mailalagay mo sa ayos ang lahat. Lucky number for today: 17

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi masamang itaas ang ambisyon pero may pagkakataong hindi mo maigigiit ang gusto mo at hindi mo rin ito maidadaan sa pagiging agresibo. Kailangang pairalin ang diplomasya upang matiyak na makukuha mo ang suporta ng nakararami. Lucky number for today: 50

SCORPIO (October 23-November 21) – Mataas ang kumpiyansa mo at sinasabayan naman ito ng nararamdaman mong pagtaas ng iyong popularidad. Samantalahin ang pagkakataon para maisulong ang iyong mga plano, makukuha mo ang pagsang-ayon ng nakararami. Lucky number for today: 30

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung masyado mong bibigyan ng importansya ang sinasabi ng mga tao sa iyong paligid, nagsa-suffer ang mga plano mo. Marami kang hindi magagawa kapag lagi kang paaapekto sa opinyon ng iba. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi mo kailangang sabihin ang inaakala mong gustong marinig ng lahat. Importanteng manaig ang katotohanan. Hindi ka man nila maunawaan ngayon, sa mga darating na araw ay matatanggap nila ito. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – Bigyan ng panahon ang iyong sarili. Sa gitna ng mga kaabalahan, kailangan ng iyong isip ng pahinga at makapag-unwind. Makipagsaya sa piling ng mga tunay na kaibigan. Lucky number for today: 24

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ikaw ang tunay na biktima kaya iwasang maging emosyunal. Sa halip na maawa sa sarili, mag-move on. Kumilos na habang kaya mo pang gumawa ng kinakailangang adjustment. Lucky number for today: 15

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy