Una sa Balita

Horoscope 04/08/19

0 298

ARIES (March 21-April 19) – Nasa pamilya at loob ng bahay ang pokus mo. Potensyal din ang pagpapla­nong ilipat ang trabaho o magtayo ng negosyo kung saan hindi mo na kakailanganing bumiyahe nang malayo sa araw-araw. Pinapaboran ang ganitong pagbabago kaya hindi masamang ikonsidera. Lucky number for today: 17

TAURUS (April 20-May 20) – May makukuhang impormasyon na may kinalaman sa iyong career o isang bagong negosyo. Maghintay muna bago aksyunan ang isang pagbabagong nararamdaman mo na hindi na kayang iwasan pa. Lucky number for today: 11

GEMINI (May 21-June 20) – Maraming plano para sa hinaharap. Karamihan dito ay kung paano palalaguin ang pananalapi. Pinapaboran din ang plano ring pagbili ng property o pagtatayo ng isang bagong investment. Lucky number for today: 34

CANCER (June 21-July 22) – Kung nagkaroon ng problema sa aspeto ng komunikasyon, ngayon ay may pagkaka­taon kang itama ang lahat. Mas magiging madali para sa iyo ang pakikipag-usap sa mga taong nasa mas mataas na posisyon. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Makakakuha ka ng inside information na magagamit para iangat ang iyong kalagayang pinansyal. May oportunidad din para sa iyong career na dating hindi mo ikinukonsidera. Nasa adventurous mood ka at lahat ay kaya mong subukan. Lucky number for today: 21

VIRGO (August 23- September 22) – May mga bagong kaibigan na makikilala at magiging importanteng koneksyon ang mga ito para sa posibleng pagbabago ng career. Mas madali mo ring mauunawaan ang mga nagaganap sa paligid. Lucky number for today: 52

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Naghahanap ka ng adventure at may kinalaman ito sa pagmamahal mo sa kalikasan. Posibleng mabuo ang isang planong pagbibiyahe sa hinaharap. Magiging daan ito para mabago ang iyong pananaw. Lucky number for today: 14

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi lamang ang iyong career kundi maging ang iyong spiritual growth ang magiging pokus ng mga susunod na araw. May bagong oportunidad para makakilala ng mga taong magiging tulay mo sa isang malaking pagbabago. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Naghahanap ka ng isang oportunidad para muling makapag-umpisa at ito’y inilalapit na sa iyo. Bagong career o bagong relasyon ang mga posibilidad na mabubuksan. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mo ng soul searching. Alamin kung ikaw ay nasa tamang direksyon pa gaya ng iyong napagplanuhan. Posibleng sa dami ng mga distraksyon, ilan sa mga plano mo ang tuluyan mo nang naisantabi at kaila­ngan mo na itong buha­yin muli. Lucky number for today: 28

AQUARIUS (January 20-February 18) – Layo muna sa anumang excitement at distraksyon sa paligid. May kailangan kang pagdesisyunan sa buhay. May nararamda­mang diskuntento at ito’y hindi mo na puwedeng balewalain para sa ikatatahimik ng iyong isip. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mong magbigay pa ng dagdag na effort para maayos ang linya ng komunikasyon sa iyo at mga mahal mo sa buhay. Hindi uubra kung lagi ka na lamang nakadistansya sa mga tunay na nagmamalasakit sa iyo. Lucky number for today: 56

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy