Una sa Balita

Horoscope 04/07/2018

0 266

ARIES (March 21-April 19) – Sa araw na ito, kailangan ng dagdag na tiwala sa sarili lalo na sa aspeto ng pakikipagkomunikasyon. May ilang taong hindi agad makakuha ng mensahe kaya kailangan pa itong ipaliwanag nang husto. Lucky number for today: 58.

TAURUS (April 20-May 20) – Makakatanggap ng pagkilala mula sa ilang importanteng tao at ito ang magsisilbing inspirasyon para sa iyo. Kung naghahanap ka pa lamang ng partner sa ­buhay, magandang oportunidad ang hatid ng araw na ito. Lucky number for today: 21.

GEMINI (May 21-June 20) – May kailangan kang pagtiisan para ganap na makamit ang iyong pangarap. Dagdagan pa ang pagpupursige at malayo pa ang iyong mararating. May ilang aberya pero ito’y saglit lang na malalagpasan. Lucky number for today: 17.

CANCER (June 21-July 22) – Lahat ay posibleng mangyari kaya kailangan mong ilagay ang sarili mo sa posisyong makikita mo ang lahat. Manatiling mapagmasid at protektahan ang sarili mong interes. Lucky number for today: 30.

LEO (July 23-­August 22) – ‘Wag mong haya­ang makulayan ng emosyon ang iyong pananaw. Sa iyong inte­raksyon sa ibang tao, mas magi­ging epektibo ka kung kalmado sa lahat ng oras. Lucky number for today: 57.

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangan ang karisma para makuha mo ang hinaha­nap na suporta mula sa ilang importanteng tao. Sa aspeto ng pananalapi, dapat mo ring maipakita na mapagkakatiwalaan ka. Lucky number for today: 12.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sa iyo nakapokus ngayon ang atensyon ng mga tao sa paligid mo. Ilan sa kanila ang hindi komportable at naniniwalang nang-aagaw ka ng atensyon. Kailangan mo ng balanse para mapagbigyan lahat. Lucky number for today: 56.

SCORPIO (October 23-November 21) – Panindigan ang iyong posisyon. Hindi lahat ay komportable sa ipinakikita mo pero dapat mo lamang ipaglaban ang inaakala mong tama. ‘Wag nang pansinin ang ilang oposisyon. Lucky number for today: 39.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –– Pag-aralan lahat ng nabubuksang opsyon. Hindi paborable na sa iisang opsyon ka lamang sumentro. Tingnan ang bigger picture para matimbang mo ang lahat. Lucky number for today: 58.

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Sa gitna ng kaabalahan, may isa o dalawang taong nakakalimutan mo nang bigyan ng atensyon. Malaki ang naitulong ng mga taong ito sa iyo kaya dapat lang kilalanin ang kanilang naibigay na kontribusyon. Lucky number for today: 1.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan pang dagdagan ang ginagawa mong effort para maipagpatuloy ang koneksyon mo sa isang special someone. Ang patuloy na kawalan ng oras para sa taong ito ay maaaring pagmulan ng malaking isyu sa hinaharap. Lucky number for today: 18.

PISCES (February 19-March 20) – Isang ideya ang dapat mong subukan at pagbuhusan ng oras. Makakaunawa ang mga kaibigan. May pagkakataong kaila­ngang isakripisyo ang personal na kagustuhan. Lucky number for today: 36.