Una sa Balita

Horoscope 04/07/19

0 259

ARIES (March 21-April 19) – Importante pa ring matapos mo ang anumang iyong nasimulan. Ilang tao ang umaasa lamang sa iyo. Makukumbinsi mo rin ngayon ang ilang taong mahilig kumontra sa mga plano mo. Lucky number for today: 25

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang magalit kahit pakiramdam mo ay binigo ka ng isang taong malapit sa iyo. Ang galit na maipon mo ngayon ay dadala-dalahin mo sa buong linggo kaya makabubu­ting magpatawad na lamang. Lucky number for today: 18

GEMINI (May 21-June 20) – Maraming nagaganap sa paligid pero papabor sa iyo ito ngayon dahil makakakilos ka nang hindi gaanong pinuputakte ng mga puna. Iwasan lamang gumawa ng anumang negatibo. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Marami kang matatapos na gawain at halos wala kang nararamdamang kapa­guran. Hindi ito lisensya para abusuhin ang iyong katawan. Bigyan pa rin ng panahon ang sarili na makapagrelaks. Lucky number for today: 29

LEO (July 23-August 22) – Gawin mo ang isang hindi mo pang­karaniwang ginagawa. Lumabas muna sa iyong comfort zone at doon naghihintay ang tagumpay. Makakaasa sa suporta ng iyong mga kaibigan at kapamilya. Lucky number for today: 51

VIRGO (August 23- September 22) –Mahihirapan kang itago ang tunay mong na­raramdaman. Madali ring makakahalata ang iyong partner sa buhay na merong bumabalisa sa iyo. Makabubuting magtapat na habang maaga. Lucky number for today: 15

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Marami kang puwede at kayang ibigay nga­yon. Kaya iwasang manahimik sa isang sulok. Pinapaboran ang anumang pakikisalamuha sa maraming tao. Lucky number for today: 33

SCORPIO (October 23-November 21) – Magpokus muna sa mga bagay o gawain na kailangan mo nang tapusin. Isantabi muna ang mga pagsasaya dahil may mga prayoridad kang kailangang unahin. Lucky number for today: 41

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Alam mo ang kakayahan mo pero hindi ito excuse para dedmahin mo ang ideya ng ilang tao sa paligid mo. Mas marami kang matututunan sa pakikinig kaya bigyan sila ng atensyon at panahon. Lucky number for today: 20

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung tatanggapin mo ang isang sitwasyon, mas madali kang makakapag-isip ng paraan para malusutan ito. Wag nang sayangin ang oras sa paghahanap ng taong sisisihin. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (January 20-February 18) – May ilang taon­g sad­yang laging nega­tibo ang pagtingin sa anumang ideyang mula sa iyo. Dedmahin ang mga ganitong tao, hindi mo kailangan ang kanilang opinyon. Magsasayang ka lamang ng oras kung tatangkain mo silang baguhin. Lucky number for today: 30

PISCES (February 19-March 20) – Mas handa ka nang humarap sa mga dagdag na res­ponsibilidad. Alam mo na rin ang kakayahan at kahinaan mo kaya hindi masamang ikonsidera ang pagtanggap sa isang pagbabago. Lucky number for today: 19 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy