Una sa Balita

Horoscope 03/27/2020

0 597

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: MARIAH CAREY, FERGIE, JESSICA SOHO

ARIES (March 21-April 19) – Pag-aralang mabuti ang kasalukuyang sitwasyon saka mo itanong sa iyong sarili kung anong mga pagbabago ang dapat gawin. Hindi magiging madali ang lahat kaya magpakatatag. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – Likas sa iyo ang never-say-die attitude kaya habang nagiging masalimuot ang sitwasyon lalo ka pang nagiging matatag. May pagkakataon lamang na kailangan mo lamang manahimik at ‘wag munang makialam. Lucky number for today: 43

GEMINI (May 21-June20) – Ngayon mo mare-realize na marami kang sinayang na oras at effort sa mga maliliit na bagay na hindi naman dapat pinalaki. Baguhin ang pokus at may pagkakataon ka nang makabawi. Lucky number for today: 9

CANCER (June 21-July 22) – Nahahamon ang iyong kakayahan at marami kang gustong patunayan. Bagama’t nanggigigil kang gawin ito agad, hindi ngayon ang tamang pagkakataon. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – Isang relasyon ang hindi na umuubra. Puwede pa itong maisalba pero hindi sa araw na ito. Makabubuting manahimik na lamang at magpalamig habang tensyonado pa ang paligid. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23- September 22) – Anuman ang pinaplano mo, ipinapayong pag-aralang mabuti ang lahat ng mga detalye. Marami kang oras para rebisahin ang bawat hakbang na kailangang gawin. Samantalahin ang pagkakataong ito para mas makapag-isip. Lucky number for today: 49

LIBRA (September 23- October 22) – Ano ang tunay mong gusto sa buhay at ano ang inaasahan mong mangyayari. Kung masasagot mo ito, malapit nang makamit ang tunay na kaligayahang hanap mo. Sa ngayon, habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 46

SCORPIO (October 23- November 21) – Ilang taon ay humihikayat sa iyong umaksyon at makipagsabayan. Pero kung sa sarili mo ay hindi ka kumbinsidong tama ang oras, konting preno muna. Lucky number for today: 1

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Anuman ang naririnig mong nakakatakot na prediksyon, hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Iwasang magwori at i-stress ang sarili sa mga bagay na wala kang kontrol. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mong pag-isipan nang paulit-ulit ang ilang bagay. Alam mong kailangan mong mag-adjust pero kailangan mo ring tingnan kung saan ka dapat mag-umpisa. Lucky number for today: 5

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi masamang pag-isipan ang isang malaking career move. Dahil marami kang oras mag-isip, malinaw mong nakikita kung ano ang mga posible at imposible para sa iyo. Ang kuwestyong naiiwan ay hindi kung kaya mo sa halip ay kung kailan. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – Tiyaking matutupad mo ang mga ipinangako mo sa iyong mga mahal sa buhay. Maraming distraksyon sa paligid pero hindi ito dahilan para biguin ang mga taong naniniwala at sumusuporta sa iyo. Lucky number for today: 8

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More