Una sa Balita

Horoscope 03/26/2020

0 486

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: Keira Knightley, Kathryn Bernardo

ARIES (March 21-April 19) – Meron pa ring oportunidad para kumita ng pera. Pero kailangan mo lamang agapan ito. Wag ding labanan ang mga pagbabago. Kakayanin ito, kailangan lamang ng dagdag na effort. Lucky number for today: 17

TAURUS (April 20-May 20) – Mas matutulungan mo ang sarili mo kung tutulungan mo muna ang iba. Ilagay ang sarili sa posisyon ng ibang tao at mauunawaan mo ang kanilang pinagdaraanan. Ms madali mong malalaman kung ano ang kanilang kailangan. Lucky number for today: 31

GEMINI (May 21-June20) – Iwasang makipag-argumento dahil nagdudulot lamang ito ng dagdag na tensyon sa isang tensyunado nang sitwasyon. Makabubuting dedmahin na lamang ang mga opinyong hindi mo matanggap. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Mas magiging malinaw sa iyo ang iyong ambisyon. Ang bawat araw na dumaraan ay nagagamit para magawa ang mga kinakailangang adjustment. Alalahaning kailangan ng todo effort para makuha ang tagumpay. Lucky number for today: 34

LEO (July 23-August 22) – Mahihirapan kang kumbinsihin ang mga tao sa paligid mo. Nakikita nila ang lahat ng datos kaya hindi sila kayang paikutin sa gusto mo. Mas makabubuti pang umapela ka na lamang sa kanilang emosyon para makuha ang suporta ng nakararami. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23- September 22) – Gusto mong mag-level up sa isang bagay pero ang tanong ay kaya mo ba ang malaking perang kailangan mong ilabas bukod sa effort na kailangan mong ibuhos. Mag-isip pa nang makailang ulit bago gumawa ng anumang aksyon. Lucky number for today: 11

LIBRA (September 23- October 22) – Sa dami ng preparasyon na ibinubuhos mo, lalo lamang dumarami ang nagagawang pagkakamali. Subukan mo munang magrelaks at kumalma at makikita mong mas magiging madali para sa iyo ang lahat. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi masamang magtrabaho nang husto pero ‘wag mo namang masyadong pahirapan ang sarili mo. Alalahaning napakaimportante sa panahong ito na manatiling malusog ang iyong katawan. Bigyan ng pahinga ang sarili. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Liwanagin sa mga taong nasa paligid mo kung ano ang pilit mong ginagawa. Mas maraming makakatulong sa iyo kung magiging malinaw ang mga plano mo. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Matutukso ka ngayon na ikumpisal sa iyong pamilya at mga kaibigan ang mga pagkakamaling nagawa mo. Pero pag-isipan muna kung kailangan pa ba ito? Mas mainam pa rin na ilagay na lamang sa tama ang lahat dahil makikita rin ito ng lahat sa mga darating na araw. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – May oportunidad ka pa rin para makipag-usap sa mga taong kapareho mo ng interes. Wag sayangin ang pagkakataong ito para patuloy na maisulong ang mga adhikain mo. Lucky number for today: 24

PISCES (February 19-March 20) – Magplano, pangmadalian man o pang-matagalan. Wag lamang kalimutan na hindi lahat ay makukuha mo nang libre. Kailangang maghanda ka ng cash na kakailanganin mo sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 54

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More