Una sa Balita

Horoscope 03/25/2020

0 460

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: ELTON JOHN, ARETHA FRANKLIN

ARIES (March 21-April 19) – Maraming pangyayaring nagdudulot ng iyong pag-aalala. Sa kabila nito, marami ka pa ring puwedeng magawa. Patuloy na magsumikap. Lucky number for today: 32

TAURUS (April 20-May 20) – Ang aksyon ng isang tao ay nagdudulot sa iyo ng pagkainis pero hindi mo ito dapat ipakita. Mas malamang na lalo ka niyang iniinis para makagawa ka ng pagkakamali. Wag patulan, mas matalino ka kaysa iniisip mo. Lucky number for today: 56

GEMINI (May 21-June20) – Magpokus lamang sa isa o dalawang bagay. Pagtuunan ng pansin ang quality ng ginagawa at hindi ang dami. Hinay-hinay lamang para matiyak na pulido ang mga nagagawa mo. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Panatilihin ang magandang impresyon sa mga koneksyon mo na nasa tamang posisyon para tulungan ka pagdating ng araw. Wag ding kalimutan kung sino ang iyong mga tunay na kaibigan. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Gaano man kaabala ang buhay mo ngayon, marami ka pa ring oras para seryosong pag-isipan ang mga plano mo. Ang mga bagay na nagdulot ng kalituhan sa mga nagdaang araw ay puwedeng rebisahin nang makita kung saan ka puwedeng mag-improve. Lucky number for today: 13

VIRGO (August 23- September 22) – Masyadyo mong sineseryoso ang mga pangyayari. Kailangang magrelaks nang bahagya dahil hindi nakatutulong ang stress sa anumang sitwasyon. Mas pangalagaan ang kalusugan. Lucky number for today: 42

LIBRA (September 23- October 22) – Ito ang oras para ipaalala mo sa iyong sarili na hindi lahat ng pangyayari ay kailangang nakasentro sa iyo. Mas mangingibabaw ngayon ang desisyon ng ibang tao kaya kailangan mo na lamang itong tanggapin. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23- November 21) – Ang mga sinasabi ng ibang tao ay salungat sa mga dapat mong gawin. May paraan para mailagay sa balanse ang lahat. Pag-isipang mabuti ang bawat hakbang para walang pagsisihan. Lucky number for today: 58

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Nasa ayos na kalagayan ka pero ilang kaibigan o kapamilya mo na nasa malayo ang nasa mahirap na sitwasyon. Wala ka sa posisyon para tumulong lalo na sa pinansyal pero pwede kang magpaabot ng moral support. Lucky number for today: 46

CAPRICORN (December 22-January 19) – Malalagay ka sa sentro ng aksyon o atensyon sa araw na ito. Hindi nga lamang mawawala ang mga kritisismo. Tandaang hindi mo kayang pasayahin ang lahat. Lucky number for today: 37

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mag-effort para ipakita sa mundo kung ano ang iyong kakayahan pero iwasang itodo ang effort dahil kalusugan mo naman ang nakataya. Pakinggan ang paalala ng mga taong tunay na nagmamalasakit. Lucky number for today: 55

PISCES (February 19-March 20) – Gusto mo munang makasiguro na tama ang bawat gagawin mo. Pero ang pagtatagal sa pagdedesisyon ang nagdudulot sa iyo ng delays. Hindi masamang makipagsapalaran at sumabay sa aksyon. Mas marami kang matututuhan. Lucky number for today: 25

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More