Una sa Balita

Horoscope 03/24/2020

0 560

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: TOMMY HILFIGER

ARIES (March 21-April 19) – Papaboran ka ngayon sa mga pangyayari. Ikaw muli ang malalagay sa kontrol. Tiyaking gamitin ito para maisulong ang interes ng nakararami. Lucky number for today: 7

TAURUS (April 20-May 20) – Gustuhin mo mang mapasaya ang lahat ng mga tao, hindi mo kayang gawin itong mag-isa. Magpakatotoo na lamang sa sarili at panatilihin ang positibong pananaw. Lucky number for today: 15

GEMINI (May 21-June20) – Anuman ang iyong inaambisyon, sa araw na ito at sa mga susunod pa ay mahirap itong isulong. Panatilihing bukas ang iyong mga opsyon hindi lamang sa personal na aspeto ng buhay kundi sa iyong career. Lucky number for today: 25

CANCER (June 21-July 22) – Sa gitna ng mga negatibong pangyayari sa paligid, marami ka pa ring nakikitang positibo. Dito ka na lamang mag-concentrate. Darating ang takdang oras para mag-move on. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – Ang mga dati mong pinaniniwalaan ay mapapatunayan mong hindi na epektibo. Oras na para yakapin ang pagbabago. Ibaba muna ang pride. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23- September 22) – Pakiramdam mo ang mga pangyayari ay nagkakaisa para ibagsak ka pero malayo ito sa katotohanan. Piliing maging positibo at kumuha ng inspirasyon sa iyong mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 11

LIBRA (September 23- October 22) – Hindi lahat ng sinasabi ng mga tao sa paligid mo ay tama. Kailangang doblehin ang pagmamasid at maging alerto sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 50

SCORPIO (October 23- November 21) – Wag nang isipin pa kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa iyo at sa mga ginagawa mo. Masyado kang nagiging sensitibo at hindi ito makakatulong. May mga tao talagang hindi susuporta sa iyo. Lucky number for today: 41

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Pinapaboran ngayon ang mga proyektong may kinalaman sa art. Gamitin ang pagkakataong ito para gawin ang matagal mo nang pangarap. Nasa iyo na ang lahat ng oras. Lucky number for today: 43

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa pagkakataong ito, pinapaboran ang pag-oobserba sa mga taong nakakasalamuha mo. Mas marami kang matututunan sa karanasan ng iba. Lucky number for today: 22

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maraming pagkakataon para ma-try mo ang mga bagong karanasan. Pagplanuhan ito nang maayos. Hindi mo man agad maipatupad, magagawa mo rin ito sa tamang oras. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ka takot sa pagbabago at mararamdaman mo kung kailangan ang takdang oras. Gamitin ang pagkakataong ito para maplantsa nang husto kung ano ang mga dapat mong gawin. Lucky number for today: 2

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More