Una sa Balita

Horoscope 03/22/2020

0 466

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: Reese Witherspoon

ARIES (March 21-April 19) – Nag-uumpisa pa lamang ang aksyon at marami kang makikitang oportunidad sa mga darating na araw. Hindi mo nga lamang masusunod lahat ng gusto mo sa halip ay kailangan makipagkompromiso. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – May ilang krisis na kailangang harapin ngayon at sa mga susunod na araw at ito’y may kinalaman sa isyung pamilya. Nasa iyong kamay ang solusyon para ayusin lahat ng dapat gawin. Magiging mas abala pa. Lucky number for today: 10

GEMINI (May 21-June20) – Gusto mo nang mag-umpisa ng isang proyekto o bagong gawain pero hindi pa ito ang takbang araw. Mas magtatagumpay ka rin kung makukuha mo ang kooperasyon ng mga taong tulad mo ang interes. Lucky number for today: 27

CANCER (June 21-July 22) – Kung may tsansa kang kumawala sa mga tensyon sa paligid, gawin ito. Libangin muna ang sarili nang mawala ang nararamdamang stress. May ilang seryosong isyung haharapin sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Kung pakiramdam mo ay deserve mo ang mas malaking bagay, gumawa ka ng paraan para makuha ito. Kailangang mas maging assertive ka para marinig ka ng mga kinauukulan. Lucky number for today: 14

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangang makipagkompromiso ngayon at sa mga darating na araw lalo na sa iyung may kinalaman sa negosyo. Kung hindi ka mag-iingat sa pagsagot, posibleng mas malaki ang mawala sa iyo. Diplomasya ang pairalin. Lucky number for today: 42

LIBRA (September 23- October 22) – Ang mga ginagawa mo para sa ibang tao ay ibabalik sa iyo. Kung may natulungan ka, ikaw naman ang tutulungan ngayon. Pero kung negatibo ang naitanim mo, ito rin ang aanihin. Lucky number for today: 35

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi ka nagkukulang sa kumpiyansa. Hindi rin masamang ipakita sa ibang tao kung ano ang tunay mong nararamdaman. Hindi sila sasang-ayon sa lahat pero mabuti pa rin ang maging honest kaysa makipagplastikan. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Nararamdaman mong parating na ang magagandang pangyayaring hinihintay mo. Kung ito’y may kinalaman sa pananalapi, maging maingat sa paggastos. Madali lamang itong mawawala kung hindi pag-iingatan. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa araw na ito at sa mga susunod pa, maraming hamon ang puwedeng kaharapin. Kailangan lamang umiwas sa komprontasyon. Hindi mo kailangang makipag-away para marinig. Lucky number for today: 22

AQUARIUS (January 20-February 18) – Importanteng isyu ngayon ang pera hanggang sa mga susunod na linggo. Marami kang gustong bilhin pero kailangan mo munang pag-isipan kung kailangan mo talaga ito. Lucky number for today: 5

PISCES (February 19-March 20) – Malalagay sa alanganing sitwasyon ang isang pakikipagkaibigan. Maaari ring magkaroon ng kampihan. Mapapatunayan mo rin kung sino ang tunay na kaibigan at maaasahang sa panahon ng kagipitan. Lucky number for today: 50

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More