Una sa Balita

Horoscope 03/23/2020

0 488

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: Kyrie Irving

ARIES (March 21-April 19) – Gamitin ang araw na ito para pag-aralan kung ano ang tunay mong purpose sa buhay. Makatutulong ito para matiyak mo kung nasa tamang direksyon ka. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay paghahanap ng saya ang dapat pagtuunan. Maraming oportunidad na hindi dapat sayangin. Meron ding mga taong kaya mong matulungan. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June20) – Hindi ka magkukulang sa kumpiyansa ngayon at sa mga susunod na araw. Maraming paraan para ma-enjoy mo ang mga ginagawa mo. Alalahanin lamang na ang bawat kilos mo ay naoobserbahan ng kinauukulan. Lucky number for today: 27

CANCER (June 21-July 22) – Seryosohin ang mga isyung pinansyal. Maaring hindi mo nararamdaman ang kagipitan ngayon pero hindi mananatiling ganito sa mga darating na araw. Pag-aralan ang isang pagbabagong makatutulong sa iyo sa hinaharap. Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Magbuhos ng ekstrang effort para ipakita sa mga taong mahal mo na mahalaga sila sa iyong buhay. Hindi mo napapansin dala ng kaabalahan sa iyong career subalit posibleng nakakaligtaan mo nang iparamdam ang iyong pagmamahal. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangan mo ngayon ng balanse. Maaring nararamdaman mong naliligaw ko o nalilihis sa mga plano mo. Maging alerto lamang dahil sa mga darating na araw ay may mabubuksang oportunidad. Lucky number for today: 55

LIBRA (September 23- October 22) – Puwede kang kumita at kasabay nito’y makatutulong ka pa sa mas maraming tao. Gamitin ang oportunidad na nasa iyong harapan. Ang anumang magagawa mo’y puwede mong ipagmalaki. Lucky number for today: 3

SCORPIO (October 23- November 21) – Nararamdaman mong maraming taong nagmamalasakit sa iyo. Tigilan na ang pagdududa. Deserve mo ang kanilang pagtulong kaya hindi kailangang pagsuspetsahan ang kanilang sinseridad. Lucky number for today: 13

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi ka magkukulang sa mga kaibigang tunay na nagmamalasakit. Ngayon mo mapapatunayan na marami ka ring naitanim na maganda sa iyong nakaraan. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – May karapatan kang ipagmalaki ang mga na-achieve mo. Mahirap ang landas na iyong pinagdaanan. Ngayon ay puwede nang magrelaks habang inaani ang iyong naitanim. Lucky number for today: 9

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maraming hamon na dumarating at hindi nakakapagtakang katakutan ang mga ito. Sa gitna ng lahat ng ito, pinapaboran ang iyong tagumpay. Harapin lahat ng hamon at lamang ang iyong panalo. Lucky number for today: 47

PISCES (February 19-March 20) – Mahirap ang mga hamon na pinagdaraanan. Maari kang maging emosyunal. Gawing inspirasyon ang taong tunay na nagmamahal at laging sumusuporta sa iyo. Laban lang! Lucky number for today: 16

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More