Una sa Balita

Horoscope 03/21/2019

0 454

ARIES (March 21-April 19) – Hindi mo kailangang maki­pag-unahan para lamang masabing nangunguna ka. Importanteng gusto mo at naniniwala ka sa ginagawa mo. Hindi ka magiging masaya kung lagi kang nakatutok sa reaksyon ng ibang tao. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – May pa­ngambang hatid ang isang kailangan mong gawin. Pero alalaha­ning sa umpisa lamang laging mahirap, maitatama ang lahat sa mga susunod na araw. Hindi masamang maghinay-hinay habang hindi pa kabisado ang ginagawa. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June 20) – Be careful what you wish for dahil madali lamang itong ibibigay sa iyo ngayon. Pumapabor ang universe sa mga gusto mong mangyari kaya samantalahin ang pagkakataon para isulong ang mga tunay mong goals. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – Magandang pagkakataon ito para magdesisyon kung ano ang gusto mong mangyari ngayong taon ito sa buhay mo. Think big, sabi nga nila. Anuman ang plano mo doon ka lamang magpokus at magiging positibo ang resulta. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – Nag-uumpisa na ang mga positibong pangyayari kaya burahin na ang lahat ng mga takot at pangamba. Kontrahin ang mga negatibong alalahanin dahil ang lahat ay posibleng mangyari. Nasa sentro ka ng aksyon sa mga susunod pang araw. Lucky number for today: 6

VIRGO (August 23- September 22) – Sari­linin muna ang mga importanteng impormasyon. Kahit kaibigan mo pa ang pagsasabihan mo, ikaw ang maiipit sa bandang huli kaya kontrolin muna ang sarili. Lucky number for today: 20

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

LIBRA (September 23-October 22) – Dagdagan pa ang effort para maging extra nice sa mga tao lalo na sa mga hindi mo masyadong kadikit. Ibigay ang iyong kooperasyon dahil ang benepisyong idudulot nito ay para sa pangkalahatan. Lucky number for today: 4

SCORPIO (October 23-November 21) – Pakinggan din ang ipinararamdam ng iyong katawan. Iwasang magpakapagod at lagyan ng limitasyon ang iyong sarili. Hindi ka superhero para hindi magpahinga. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mapapasabak ka sa adventure at maghahatid ito ng bagong kulay sa buhay mo. Para sa mga single, posibleng isang bagong atraksyon ang ihatid nito. Huwag munang kumontra sa mga pangyayari. Lucky number for today: 8

CAPRICORN (December 22-January 19) – Pinakamainam pa rin ang pagsasabi ng katotohanan. Hindi lahat ng kritisismo ay masama. Minsan ay kailangang iparating ito kahit masakit pa­kinggan para maitama ang isang mali. Lucky number for today: 3

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Hindi magiging problema sa iyo ang linya ng komunikasyon. Pero iwasan lamang na ma­ging masyadong agre­sibo. Kailangang suwabe lamang ang paraan ng pagsasalita upang hindi ma-misinterpret ng ibang tao. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Hindi pa tapos ang pagsasaya. Iwasan lamang na maubusan ka ng pondo dahil may malaki kang paglalaanan sa mga susunod na araw. Mas makabubuti rin kung makakahanap ka ng dagdag na pagkakakitaan. Lucky number for today: 15

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy