Una sa Balita

Horoscope 03/20/2019

0 343

ARIES (March 21-April 19) – May pagbabago sa iyong mga plano. Maging flexi­ble at mag-adjust kung kailangan. May posibilidad na may makilala kang bago ngayong araw na ito na bubuhay sa iyong interes. Lucky number for today: 36

TAURUS (April 20-May 20) – Isang dating minahal ang magbabalik sa iyong buhay. Tiyakin muna na malinaw sa iyo kung ano ang kanyang mga kahinaan at kalakasan bago muling buksan ang puso. Lucky number for today: 39

GEMINI (May 21-June 20) – Nasa tamang lugar ka sa tamang panahon kaya wala kang dapat ikatakot. Ang romansa ay mas lalo pang magi­ging makulay. Mara­ming positibong posibilidad na parating. Lucky number for today: 1

CANCER (June 21-July 22) – Maraming kasiyahang hatid ang araw na ito kasama na rito ang isang potensyal na bagong romansa. May oportunidad din para mapaboran sa isang pinansyal na transaksyon. Lucky number for today: 36

LEO (July 23-August 22) – Maraming kaabalahan at natural lamang na makaramdam ng matinding pagod. Matindi ang epektong puwedeng idulot ng isang simpleng pana­nalita. Isiping mabuti ang bawat sinasabi dahil mas mahapdi pa sa sugat ang hap­ding iiwan nito. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22) – Mas sensitibo ka rin ngayon. ‘Wag nang seryosohin ang lahat ng naririnig lalo na kung hindi mo naman naiintindihan ang lahat. May mga bagay na malilinawan kung magkakaroon ng heart to heart talk. Lucky number for today: 2

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Pagbigyan ang kagustuhang makapagrelaks kasama ang mga tapat na kaibigan. Sa pagkakataong ito, mas natutupad ang mga hindi pinagplanuhan. Maraming hamon ang malalagpasan. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23-November 21) – Tiyaking napag-isipan mo nang husto ang gusto mong sabihin bago ito iparating sa taong kinauukulan. Ang mga singles ay dapat munang umiwas sa mga office love affairs kung saan mas malamang ang kabiguan. Lucky number for today: 22

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi ito paborableng araw para paghaluin ang trabaho at pagsasaya. Unahin muna ang mga prayoridad. Makapaghihintay ang mga kaibigan. Lucky number for today: 26

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang mga nagawa mong kabutihan ay aanihin ngayon. Mas maamo rin ang suwerte sa bawat pakikipag-usap na ginagawa mo. Maisusulong ang matagal mo nang plano. Lucky number for today: 37

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Patuloy na nasa mga koneksyon ang pokus ng araw na ito. Mara­ming imbitasyon ang matatanggap.‘Wag ding kalimutan ang mga da­ting kaibigan na may mala­king naitulong. Lucky number for today: 45

PISCES (February 19-March 20) – Ang bawat limitasyon at res­triksyon na nararanasan ay nagdudulot ng malaking pagkairita. Ang aspeto ng komunikasyon ay pinapaboran kaya mas madali mo ring masabi ang iyong nararamdaman. Lucky number for today: 31

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy