Una sa Balita

Horoscope 03/18/20

0 409

PISCES (February 19-March 20) – Mauunawaan mo na ang mga isyung nagiging palaisipan sa iyo sa mga nagdaang araw. Kapag naumpisahan mo na ang aksyon, mahirap ka nang pigilan. Maghintay pa ng ilang araw. Lucky number for today: 11

ARIES (March 21-April 19) – Alam mo kung ano ang gusto mo sa buhay pero nagiging mabagal ka sa pag-abot ng iyong pangarap. Dagdagan pa ang kumpiyansa sa sarili. Ikaw mismo ay kailangang kumbinsido na kakayanin mo lahat ng dapat pagdaanan. Lucky number for today: 3

TAURUS (April 20-May 20) – May mga masalimuot na pangyayaring mahirap lusutan. Hindi magiging madali ang lahat kaya ‘wag munang magrelaks. Kahit gaano ka kagaling, may posibilidad ang pagkakamali. Lucky number for today: 14

GEMINI (May 21-June20) – Sundin muna ang iyong instinct at kutob. Wag na rin munang mag-aksaya ng oras sa pag-iisip kung tama ba ang ginagawa mo. Mahalagang umaaksyon at walang oras na dapat sayangin. Lucky number for today: 28

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mong pagdesisyunan ang iyong career. Nasa iyo ang sapat na oras ngayon para magmuni-muni at balikan ang mga nangyari. May kailangan kang gawing malaking pagbabago. Lucky number for today: 57

LEO (July 23-August 22) – Buksan ang mata at tenga. Importante ngayon ang koneksyon. Maging alerto sa mga nangyayari sa paligid at hindi lamang sa iyong personal na buhay. May malalim na koneksyon ito na makakatulong sa iyo sa hinaharap. Lucky number for today: 24

VIRGO (August 23- September 22) – Mag-ingat sa aspetong pinansyal lalo na sa mga darating na araw. Sa ngayon, magpokus din sa isang relasyon na matagal mo ring napabayaan. Ngayon ang pagkakataong makabawi. Lucky number for today: 34

LIBRA (September 23- October 22) – Kailangan mong mag-effort para alamin kung ano ang nangyayari sa isang taong importante sa buhay mo. Kapag naunawaan mo na ang kanyang pinagdaraanan, magiging madali na sa iyo ang pagpaplano kung paano siya tutulungan. Lucky number for today: 9

SCORPIO (October 23- November 21) – Nakakatuksong komprontahin ang isang tao dahil sa iyong suspetsa. Pero sa pangkabuuan, wala naman itong buting maidudulot sa buhay mo. Matutong magpasensya para less stress. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Madali lamang sa iyo ang lahat. Sa araw na ito, madali kang magdesisyon at madali ring makalusot sa mga komplikadong sitwasyon. Pero hindi ito lisensya para masyadong maging kampante. Manatiling alerto. Lucky number for today:

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mahihirapan kang pasunurin ang isang taong malapit sa iyo. Wag nang dagdagan ang stress ng buhay. Bigyan mo na lamang siya ng pang-unawa. Lucky number for today: 21

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maraming pumipigil sa iyo na iba’t ibang restriksyon hindi lamang sa paligid kundi sa personal na takbo ng buhay. Wag mangamba, matatapos na ang sitwasyon mo at mararamdaman mo na muli na may kalayaan ka. Lucky number for today: 32

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More