Una sa Balita

Horoscope 03/16/2020

0 597

PISCES (February 19-March 20) – Napa­karaming dapat gawin at nararamdaman mo na ang pressure. Kung magiging honest ka sa sarili mo, ikaw ang unang dapat sisihin sa nangyayari. Matuto sa leksyon na iiwan nito at nang hindi na maulit. Lucky number for today: 1.

ARIES (Ma r c h 21-April 19) – Isang tao ang maaaring makasakit sa iyong damdamin ngayon. Gawin ang lahat para piliing dumistansya. Kung pipiliin mo ang kompron­tasyon, magiging komplikado ang lahat at ikaw ang matatalo. Lucky number for today: 58.

TAURUS (April 20-May 20) – Marami kang nalulusutang sitwasyon pero sa araw na ito, maaari kang maipit sa dalawang nagbabanggaang puwersa. Hayaan mo na lamang na maunahan ka ng iba. Hindi ito ang araw mo. Lucky number for today: 4.

GEMINI (May 21-June 20) – Wala kang dapat ikatakot. Masyado kang naapektuhan ng kalituhan sa paligid. Kailangan ngayon ng dagdag na tapang para mas maging epektibo. Lucky number for today: 22.

CANCER (June 21-July 22) – Wala kang maisip na dahilan kung bakit nagagalit sa iyo ang isang in­dibiduwal. Posibleng may misunderstanding lamang na nangyayari. Malilinawan din ang lahat sa mga su­sunod na araw. Lucky number for today: 11.

LEO (July 23-August 22) – Sa lahat ng mga pag­kakataon, ikaw ang laging naaasahan lalo na ng mga kapamilya at kaibigan. Pero sa araw na ito, kailangan mong hayaan silang kumilos para sa sarili nila. Lucky number for today: 36.

VIRGO (August 23-September 22) – Bigyan ng oras ang pagpapaliwanag sa mga taong mahal mo. Apektado rin sila sa sitwasyon mo kaya huwag mo si­lang balewalain. Lucky number for today: 29.

LIBRA (September 23-October 22) – Wala ka sa mood ngayon para damayan ang sinuman. Pero hindi mo kailangang magsalita nang masakit. Ang la­hat ay may pinagdaraanan. Dumistansya na lamang. Lucky number for today: 2.

SCORPIO (October 23-November 21) – Ma­hirap para sa iyong tanggapin anumang kritisismo at kung hindi kokontrolin ang emosyon, maaari kang malagay sa mahirap na sitwasyon. May pagkakataong mas panalo ka kung mananahimik ka muna. Lucky number for today: 5.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Wala kang obligasyon na gawin ang trabaho ng ibang tao. Hindi ito makakatulong sa iyong career. Sa halip, magpapahirap sa iyo sa mga araw na darating lalo na kung makakasanayan ng taong iyong tinulungan na ipasa ang kanyang trabaho sa iyo. Lucky number for today: 45.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May pagkakataong hindi mo maipaliwanag kung paano mong nalalaman ang tamang konklusyon. Ito ang iyong kutob na dapat mong pakinggan kung na­kakaramdam ka ng pagdududa sa sinasabi ng iba. Lucky number for today: 18.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ma­hirap magpatawad at lumimot lalo na kung matindi ang ginawa ng isang tao sa iyo. Pero kung hindi mo pi­piliting mag-move on, lagi ka na lamang masasaktan. Lucky number for today: 28.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More