Una sa Balita

Horoscope 03/17/2020

0 444

PISCES (February 19-March 20) – May problema sa komunikasyon. Posible ring may kinalaman sa sitwasyon ang isang kasamahan sa trabaho na may personal na pinagdadaanan. Lawakan ang pang-unawa nang hindi lumala ang sitwasyon. Lucky number for today: 51

ARIES (March 21-April 19) – Isang proyekto na matagal mo nang natapos ang mag-uumpisa nang magbigay ng dagdag na kita. Posibleng hindi agad ito mapunta sa kamay mo. Dagdagan pa ang pasensya. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Importante sa iyo ang iyong mga mahal sa buhay at kaibigan. Pero may pagkakataong lumiliit ang pasensya mo dahil sa ilang mga alalahanin. Iwasang makapagbitaw ng masasakit na salita. Lucky number for today: 7

GEMINI (May 21-June20) – May inspirasyong makukuha ngayong araw na ito. Pero mas maraming obligasyon na kailangan munang harapin. Isulat anumang ideya ang maisip at nang hindi ito makalimutan. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – May kailangan kang tapusin ngayon at mapapadali ito sa tulong ng ilang kaibigan o kapamilya. Importante sa iyo ang career pero pamilya pa rin ang dapat unahin at manatiling prayoridad. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Pahirap ngayon ang trabaho at ito’y dulot din ng ilang sirkumstansya na labas sa pangkaraniwan. May mga planong kailangan munang ipagpaliban. Lucky number for today: 18

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangan mo ng balanse sa gitna ng mga stress na nag-uugat sa paligid. Isantabi muna ang nakasanayang lifestyle. Kailangan mong makibagay sa anumang sitwasyong kinakaharap. Lucky number for today: 27

LIBRA (September 23- October 22) – Dagdag stress ngayon ang isyu sa pinansyal. May mga tao ring sadyang mahilig kumontra at nakakabawas ito ng iyong energy. Wag na lamang munang personalin lahat ng naririnig na komento. Lucky number for today: 55

SCORPIO (October 23- November 21) – May pagkakataon pa ring kumita pero kailangang doblehin ang effort. Maaari itong maging hadlang para sa mga plano mo na may kinalaman sa iyong pamilya. Habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 13

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – May malaking tsansang mapaangat pa ang iyong career sa mga susunod na araw at buwan. Pero sa ngayon gawin munang prayoridad ang personal na aspeto ng buhay tulad ng iyong pamilya. Lucky number for today: 40

CAPRICORN (December 22-January 19) – Dagdag na romansa ang kailangan mo ngayon. Kailangan mo lamang itong iparamdam sa iyong mahal. May isang sitwasyon na puwedeng makadiskaril sa iyong mga plano. Lucky number for today: 32

AQUARIUS (January 20-February 18) – May conflict sa pagitan ng iyong responsibilidad at sa iyong career o trabaho. Makakapaghintay ang iyong personal na buhay. Importante ngayon ang career kaya ibigay sa mga kinauukulan ang iyong kooperasyon. Lucky number for today: 53

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More