Una sa Balita

Horoscope 03/12/19

0 329

ARIES (March 21-April 19) – Magpokus. Maaa­ring hindi maiwasan nga­yon ang mangamba at magduda sa iyong kakayahan at sa anumang pinagkakaabalahan mo. Sa gitna ng pagkabalisa, tingnan ang bigger picture at kung ano ang naghihintay sa iyo sa dako pa roon. I-push ang sarili para makamit ang tagumpay. Lucky number for today: 58

TAURUS (April 20-May 20) – Ang isang tinatanggihan ay lalo pang ilalapit. Tanungin ang sarili kung ano ang dahilan ng iyong pagtanggi at kung totoong may dapat kang katakutan. Harapin ang takot na ito at makikitang wala itong sapat na dahilan. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi simpleng bagay lamang ang pinaglalaanan mo ng mala­king pera kaya naman gawing prayoridad ang kalidad kaysa dami. Marami kang kailangang isakripisyo para rito kaya siguradu­hing walang puwang ang anumang aberya. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Nakawala ka na sa mga kadramahan. Kahit malalapit sa puso mo ang mga taong involved sa isang madramang sitwasyon, ‘wag nang matuksong ma-involve. Dagdagan din ang pasensya sa mga kaibigan mong nagiging emosyunal. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Magpokus sa mga isyung pampamilya at maging sa pakikipagrelasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay uunahin ang trabaho. Bigyan ng sapat na panahon ang pakikinig sa mga hinaing ng iyong partner. Lucky number for today: 44

VIRGO (August 23- September 22) – ‘Wag pumusta sa mga talunan. Iwasang maipit sa drama ng mga kaibigan o kapamilya lalo na kung alam mong walang patutu­nguhan ang kanilang ipinaglalaban. Magpokus sa mga mas importanteng isyu. Lucky number for today: 30

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Sa dami ng mga pinagkakaabala­han, maaaring nakakaligtaan mo na ang iyong kalusugan. Alalahaning kung hindi sapat ang iyong enerhiya ay magiging mahirap ang bawat hakbang. Tiyaking matatag ang katawan at hindi lamang ang isipan. Lucky number for today: 45

SCORPIO (October 23- November 21) – Kung nagiging matindi na ang pressure sa paligid, hindi masamang ikonsidera ang pag-iisa. Kailangan din ng pahinga ng isip. Alamin kung alin sa mga ginagawa mo ang dapat pagbuhusan ng effort at alin ang hindi bago ka tuluyang malunod sa pressure. Lucky number for today: 54

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Wala kang kontrol sa iyong kasalukuyang sitwasyon pero kaya mong kontrolin kung paano ang magiging reaksyon mo rito. Piliing magpakatatag para maiwasang masaktan. Hindi ka nag-iisa dahil maraming kaibigang handang dumamay. Lucky number for today: 58

CAPRICORN (December 22-January 19) – Anuman ang iyong itinanim ay sisimulan nang anihin. Ang isang kabutihang nagawa mo sa nakaraan ay ibabalik sa iyo nang buo. Sa aspeto ng lovelife, isang indibidwal ang hindi mawala sa iyong isip. Lucky number for today: 40

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hinay-hinay muna at balansehin ang nangyayari sa iyong paligid. Posibleng nasosobrahan ka na sa obligasyon at kailangan mo munang magbawas. Hindi rin masamang isantabi ang mga puwede pang maghintay at unahin muna ang mga prayoridad. Lucky number for today: 22

PISCES (February 19-March 20) – Isang bahagi ng personalidad mo ang natutuwa sa mga nangyayaring mala­king pagbabago. Pero mala­king responsibilidad din ang ibibigay nito sa iyo. Tiyakin mong handa kang tanggapin ang lahat. Lucky number for today: 10 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy