Una sa Balita

Horoscope 03/10/2018

0 426

ARIES (March 21-April 19) – May mga naka­gawian na dapat nang talikuran lalo na kung hindi naman ito nakakatulong sa kasalukuyan at walang positibong idudulot para sa hinaharap. Ngayon ang paborableng araw para pagdesisyunan kung alin, ano, at sino ang dapat nang itapon at talikuran. Lucky number for today: 9.

TAURUS (April 20-May 20) – Pag-aralan ang mga itinuturing mong prayoridad at alamin kung karapat-dapat nga itong unahin. Maaaring nalilihis na ang pokus mo nang hindi namamalayan. May maitutulong ang isang taong pinagtitiwalaan. Lucky number for today: 4.

GEMINI (May 21-June 20) – Mahihirapan kang lunukin ang sinasabi ng isang taong malapit sa iyo. Huwag kagalitan ang mensahero, sa halip ay magpokus sa mensahe. May positibong idudulot ang ganap na pagtanggap. Lucky number for today: 20.

CANCER (June 21-July 22) – Kung nasa harap mo na ang ebidensya, kailangan mo nang magdesisyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili kang bulag sa hindi magandang ginagawa ng isang partikular na indibidwal. Kailangan ang malalimang pakikipag-usap. Lucky number for today: 55.

LEO (July 23-August 22) – Hanggang kailan dapat unahin ang pride? May pagkakataong kaila­ngan muna itong lunukin at muling makipaglapit sa taong importante sa buhay mo. Hindi mo gugustuhing tuluyang magkalayo ang inyong kalooban. Lucky number for today: 25.

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi puwedeng madaliin ang pag-ibig. Habaan ang pasensya at lawakan ang pang-unawa sa mga usaping may kinalaman sa iyong lovelife. Walang maitutulong ang init ng ulo. Lucky number for today: 14.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mahihirapan kang panatilihing sikreto ang isang lihim. May opsyon ka para kausapin ang taong may kinalaman dito bago ito tuluyang malantad sa lahat. Mas madaling matanggap ang katotohanan kung manggagaling ito mismo sa iyo. Lucky number for today: 43.

SCORPIO (October 23-November 21) – Maaaring maagaw ang atensyon mo sa isang bagong pagkakaabalahan. ‘Wag muna itong umpisahan kung marami ka pang hindi nakukumpleto. Alalahaning wala kang matatapos kung puro na lamang umpisa. Lucky number for today: 6.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – ‘Wag i-pressure ang mga tao kung hindi agad sila makumbinsi sa mga sinasabi mo. Mas lalo lang titindi ang oposisyon kung magpipilit. Magpakita ng positibong aksyon kung hindi uubra ang salita. Lucky number for today: 4.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Makiayon muna sa agos at iwasang sumalungat sa araw na ito. Pagda­ting naman sa romansa, nangi­ngibabaw ang opsyon na makipaglapit sa isang interesting na indibidwal. Iwasan lamang na pumasok sa anumang malalim na commitment habang hindi ka pa ganap na handa. Lucky number for today: 40.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sa pagkakataong ito, hindi masamang sumunod muna sa patakaran. ­Huwag munang kumontra, hindi ito ang tamang pagkakataon para igiit ang pagiging boss. Hindi ikaw ang laging dapat masunod. Lucky number for today: 50.

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag agad balewalain ang isang ideya kung hindi mo pa ito napag-iisipan nang husto. Maaaring masalimuot ang umpisa pero ang lahat ay maisasaayos sa tamang panahon. Lucky number for today: 11.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy