Una sa Balita

Horoscope 03/09/19

0 384

ARIES (March 21-April 19) – Hindi masamang makipagsapalaran nga­yong araw na ito dahil pinapaboran ka ng kapalaran. Magtiwala lamang sa iyong kakayahan at hindi ka malilihis. Ang isang inaasam na promos­yon sa trabaho ay posible ring magkalinaw. Lucky number for today: 49

TAURUS (April 20-May 20) – Hinay-hinay muna at muling pag-aralan kung ano ang tunay na gusto mong ma-achieve. May kailangang baguhin pagdating sa estratehiya. Hindi masamang sumubok sa isang bago. Lucky number for today: 36

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasang gawin nang sabay-sabay ang ilang trabaho. Kailangan mong magpokus sa iyong prayoridad dahil abot-kamay na ang tagumpay. Ang ilang hindi importanteng gawain ay nagsisilbi lamang distraksyon. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Kung ang isang tao ay para sa iyo, hindi mo kailangang higpitan ang kontrol na nagiging dahilan para lalo siyang magpumiglas at maghanap ng kalayaan. Kung nasa ganitong sitwasyon ka, distansya nang bahag­ya at hindi masamang subukan ang reverse psychology. Ikaw naman ang magpahabol. Lucky number for today: 47

LEO (July 23-August 22) – Wala sa materyal na bagay ang tunay na kaligayahan. Hanapin kung saan ka mababalanse. Gamitin ang weekend para mas makapag-isip. Magpokus kung saan ka mas nakakalma. Lucky number for today: 39 

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi magiging madali ang anumang pakikipagkomunikasyon sa araw na ito. Bago ibaling ang sisi sa ibang tao, subukan mong pag-aralan ang sitwasyon dahil may posibilidad na ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong aberya. Lucky number for today: 29

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May pag-asa at may tsansa kang mag-move on nga­yon. Hindi mawawala ang sakit ng dulot ng isang nakaraan kung patuloy mo itong kikimkimin. Itapon na ang lahat ng mga nagpapabigat sa iyong kalooban. Lucky number for today: 30

SCORPIO (October 23-November 21) – Nasa romansa ang pokus ng araw na ito. Kung may mga pagkukulang sa iyong partner, gamitin ang weekend para makabawi. Gawing espesyal ang araw na ito para maibalik ang init ng romansa. Lucky number for today: 58

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kung masyado kang natututok sa trabaho, ngayon ang tamang araw para dumistansya pansamantala at bigyan ng relaxation ang sarili. Isama na ang iyong mahal o ang ilang mga kaibigan. Irelaks ang isip at katawan para gumaan ang pakiramdam. Lucky number for today: 1

CAPRICORN (December 22-January 19) – May pagkakataon ka ngayon para magsimula muli. Ang anumang pagkakamali ay maitatama mo. Kailangan lamang na aminin ang nagawa para maumpisahan mo na ang pagtatama. Lucky number for today: 56 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Count your blessings. Napakaraming dapat ipagpasalamat kaya naman walang dahilan para maging negatibo ang pananaw mo. Mas lawakan din ang pang-unawa sa mga taong hindi kasing palad mo. Lucky number for today: 55

PISCES (February 19-March 20) – Hindi importante ang panalo kung magiging kapalit nito ang pagkawala ng mga taong mahal mo. Kung kailangang pumili, pakinggan ang ibinubulong ng iyong puso at hindi ka magkakamali. Lucky number for today: 44
 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy