Una sa Balita

Horoscope 03/06/2018

0 361

ARIES (March 21-April 19) – Malaki ang maitutulong mo para sa isang kapa­milya. Gayunpaman, linawin munang mabuti kung ano ang inaasahang tulong mula sa iyo. Hindi mo gugustuhing ikaw ang maipit sa bandang huli. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag mong ipilit ang iyong pananaw sa sinumang tao. Mas makukumbinsi mo siya sa pamamagitan ng gawa at hindi ng salita. Lucky number for today: 45


GEMINI (May 21-June20)
– May magagawa ka ngayon para pasayahin ang isang taong malapit sa iyo. Naghihintay din ng quality time ang iyong mahal, huwag siyang pagkaitan. Lucky number for today: 46

CANCER (June 21-July 22) – Magpaka­totoo lamang sa sarili. Ikaw ang paboritong puntahan ngayon ng mga kakilala mo na naghahanap ng advice. Anumang kaabalahan, huwag silang pagkaitan ng atensyon. Lucky number for today: 10

LEO (July 23-August 22) – Isang tao sa paligid mo ang nagpapakita ng mas malalim na interes sa iyo. Kung meron ka nang commitment, ito na ang tamang oras para magsimulang umiwas. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23- September 22) – Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Kung nakikita mong tagumpay sila, gamitin na lamang itong inspirasyon para lalong magsumikap. ‘Wag panghinaan ng loob. Lucky number for today: 9

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Mas malamang sa araw na ito ang tagumpay kaysa kabiguan. Panahon na rin para alisin ang mga bagay na nagiging pabigat na lamang sa buhay mo. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung dinededma ng ibang tao ang mga sinasabi mo, hindi pa rin ito sapat para pagdudahan ang iyong kakayahan. Alam mo kung ano ang higit na makabubuti para sa iyo, gawin ito at wag paapekto sa mga distraksyon. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Ang ipinakikita mong diplomasya sa lahat ng pagkakataon ay kikilalanin ng mga taong nasa paligid mo. Mas paborable rin ang makinig sa araw na ito. Bigyan ng pagkakataon ang ibang tao na magpakitang gilas. Lucky number for today: 8

CAPRICORN (December 22-Januar­y 19) – Isang relasyon ang lalo pang lalalim. Marami kang makikitang maganda sa special someone na ito. Kung wala ka pang ibang commitment, hindi masamang buhusan ito ng atensyon. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan mong doblehin ang husay sa panghihikayat. Mas mahirap ngayong kumbinsihin lahat ng tao sa paligid mo. Alalahaning mas higit mong kailangan ng mga kakampi kesa sa kaaway. Lucky number for today: 9

PISCES (February 19-March 20) – Ang maling nakikita ay posibleng hindi nakikita ng iba. Kakailanganin mong ipaliwanag ang posisyon mo. Hindi lahat ay agad-agad tatanggap ng kritisismo. Lucky number for today: 52