Una sa Balita

Horoscope 03/04/2019

0 460

ARIES (March 21-April 19) – Ilang tao na hindi mo inaakalang magiging kakampi mo ang makakatulong sa iyo. Huwag sayangin ang kanilang ibinigay na pagkakataon. May mga kailangan kang baguhin sa mga nakasanayan. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag magmamadali. Bigyan ng palugit ang hinihintay mong mangyari. Hindi lahat makukuha sa paspasan. Alalaha­ning mas matamis ang bunga ng tunay mong pinaghirapan. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June 20) – Kung ang target mo ay magkaroon ng kita o karagdagang kita, may oportunidad sa araw na ito. Huwag balewalain ang iyong kutob. Mas ikaw ang nakakaalam ng dapat mong gawin. Lucky number for today: 40

CANCER (June 21-July 22) – Kumbaga sa pelikula, isang indibidwal ang magiging panira sa mga nailatag mong plano. Ang taong ito ay maaaring kasamahan mo sa trabaho. Ngayong nakita mo na ang mga hawak niyang baraha, umpisahan na ang pag-iwas. Lucky number for today: 12

LEO (July 23-August 22) – Isang taong nakakatanda sa iyo ang makakatulong pagdating sa isyung pinansyal. Pakinggan ang kanyang advice dahil magagamit mo ito bago magbitiw ng isang malaking desis­yon partikular sa aspetong pananalapi. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23- September 22) – May ilang indibidwal na tila pilit kang tinatapakan. Huwag munang mag-react. Huwag ding mas­yadong ilayo ang sarili mo sa ibang tao. Lucky number for today: 33

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Posibleng may isang pangyayari na ikainit ng ulo mo ngayong araw na ito. Iwasang magbitiw ng nakakasakit na salita. Mas magpokus sa bigger picture at huwag sa maliit na bagay. Lucky number for today: 54

SCORPIO (October 23-November 21) – Naghahatid lamang ng lungkot ang pagbabalik-tanaw sa mga masasaklap na nangyari sa nagdaan. Walang maitutulong kung patuloy na sisisihin ang sarili sa inaakala mong naging pagkukulang. Mara­ming pagkakataong makakabawi ka. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May inis kang nararamdaman at maaari ring nadidismaya sa isang hindi inaasahang pangyayari. Iwasang ibunton ang galit sa mga taong wala namang direktang kinalaman. Lucky number for today: 23

CAPRICORN (December 22-January 19) – Oras na para magbago ng estratehiya. Baguhin ang plano. Mas makabu­buting ilayo muna ang sarili mo sa gusot at maging isang observer. Makatutulong ito sa iyo para makapag-isip ng dapat gawin. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang taong malapit sa iyo ang nanga­ngailangan ng iyong pagdamay. Nakikita mo na ang sitwasyon kaya huwag nang hintaying lumapit pa siya sa iyo at makiusap. Gamitin ang husay sa pagpapayo. Lucky number for today: 7

PISCES (February 19-March 20) – Nakikiayon na ang mga pangyayari sa mga napagplanuhan mo at pinangarap. May taong maghihinanakit suba­lit hindi ito talagang maiiwasan. Ngayon mo na aanihin ang sukli sa ginawa mong paghihintay. Lucky number for today: 42

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy