Una sa Balita

Horoscope 03/01/2018

0 484

ARIES (March 21-April 19) – Teamwork ang susi sa araw na ito. Mas mahihirapan ka kung mag-isa ka lamang. Huwag kontrahin ang mga taong ang hangarin lamang ay tumulong. Lucky number for today: 30.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi ito ang oras para magpahinga. Hindi pa rin oras para magsaya. Posibleng mawala ang isang oportunidad kung hindi itutuloy ang pagsisikap. Lucky number for today: 9.

GEMINI (May 21-June 20) – Ang inaakala mong wala nang pag-asa ay mu­ling mabubuksan para sa iyo. Huwag itong katakutan. May maitutulong ang isang kapamilya. Lucky number for today: 14.

CANCER (June 21-July 22) – Isang taong malapit sa iyo ang masyadong nahihirapan sa kanyang sitwasyon. May maitutulong ka kaya huwag na siyang pagkaitan. Masusuklian ang iyong pagmamalasakit. Lucky number for today: 3.

LEO (July 23-August 22) – Gamitin ang taglay na karisma. Lunukin ang pride at lumapit na sa kinauukulan. Huwag mangamba, mahihirapan silang tanggihan ka. Lucky number for today: 18.

VIRGO (August 23- September 22) – Isang taong labis mong hinahangaan ang mapapalapit sa iyo. Maging handa sa mga gusto mong itanong. Marami kang matututuhan. Lucky number for today: 39.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Huwag mo nang hintayin na magsuspetsa pa ang iyong mahal. Mauna ka nang magsabi ng katotohanan. Ito lamang ang magpapalaya sa iyo. Lucky number for today: 55.

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi mo kailangan ng anumang distraksyon sa araw na ito. Maging maingat din sa mga impormasyong ipinararating sa iyo. Marami sa mga ito ang hindi mo tunay na kaila­ngan. Lucky number for today: 5.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mahirap mang tanggapin ang isang sitwasyon, wala kang ibang opsyon kundi gawin ito. Huwag nang magpokus sa sasabihin ng ibang tao. Lucky number for today: 37.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mong makipagkompromiso. Mas madali ngayon ang makiayon kaysa kumontra partikular sa taong malapit sa puso mo. Lucky number for today: 21.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May hatid na tensyon ang araw na ito at posibleng mula ito sa isang kapamil­ya. Huwag hayaang maapektuhan nito ang trabaho mo. Lucky number for today: 43.

PISCES (February 19-March 20) – Iba ang determinado sa desperado. Kailangan mong bumalanse sa anumang ipinupursige mo bago ka tuluyang mawala sa tamang pokus. Magrelaks muna. Lucky number for today: 22.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy