Una sa Balita

Horoscope 02/28/2020

0 689

PISCES (February 19 – March 20) – Maraming biyaya ang matatanggap sa mga darating na araw. Huwag kalimutang magpasalamat at ibahagi sa pamilya ang sobra. Lucky number for today: 14

ARIES­ (March 21-April 19) –Ang iyong mala­wak na pag-iisip ang maglalagay sayo sa tagumpay.Kailangan mong gumastos para kumita ng pera. Lucky number for today: 41

TAURUS (April 20-May 20) – Magplano ng isang sorpresa sa isang espesyal na tao. Maraming paraan na simple lang at hindi gagastos ng malaki sa ihahandang sorpresa. Lucky number for today: 32

GEMINI (May 21-June20) – Merong espesyal na relasyon sa isang kaibigan na pagtutuunan ng oras. Mag-ingat sa pagkakaunawa sa isang espesyal na relasyon o simpleng pagkakaibigan lamang. Lucky number for today: 24

CANCER (June 21-July 22) – Mapupuri ang iyong maayos na pamumuno. Ang pakiki­sama ng mabuti sa mga kasamahan ay babalik din sayo. Lucky number for today: 10

LEO (July 23-August 22) – Ang iyong kasipagan ay tutularan ng mga kasamahan sa trabaho. Sabik kang palawakin ang iyong kaalaman at matuto ng bagong kasanayan. Lucky number for today: 7

VIRGO (August23-September22) –Suportahan ang minamahal sa kanyang mga pangangailangan. Magiging masaya ang pagsasama kung magbibigayan sa isa’t isa. Lucky number for today: 22

LIBRA (September 23-October 22) –Makipagkilala sa mga taong bago lang sa inyong lugar. Maging totoo sa iyong sarili para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 28

SCORPIO (October 23-November 21) – Ibigay ang mga pangangailangan ng mga kasamahan. Mapapansin ng iyong boss ang mga positibong puna na maaaring magdala sa iyo sa tagumpay. Lucky number for today: 37

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magiging magastos sa araw na ito para maglibang. Magbibigay ng magandang inspirasyon ang iyong pagbabakasyon. Lucky number for today: 10

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang pamilya ang inspirasyon para pag­husayan pa ang iyong trabaho. Subukan ang mga makabagong paraan para mas maging produktibo. Lucky number for today: 21

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang katangian mong umunawa at makinig sa mga taong nangangailangan ay masusubukan. Bigyang pansin din ang hangganan sa pagtulong sa iba. Lucky number for today: 35

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More