Una sa Balita

Horoscope 02/27/2018

0 374

ARIES (March 21-April 19) – Mahirap para sa iyo ang maghintay. Subalit sa pagkakataong ito, hindi puwedeng madaliin ang mga pangyayari. Dagdagan pa ang pasensya. Lucky number for today: 2

TAURUS (April 20-May 20) – Nag-aalala na ang ilang kaibigan ang ipinakikita mong pananahimik. Hindi masamang ibahagi sa kanila ang anumang gumugulo sa isip mo. Makatutulong ito para mabawasan ang nara­ramdamang bigat. Lucky number for today: 53

GEMINI (May 21-June 20) – Mas paborable para sa iyo ang makinig kaysa magsalita ngayong araw na ito. May ilang malapit sa iyo ang nasaktan mo sa mga nagdaang araw. Ayusin ang mga naiwang gusot. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Hindi madali para sa iyo ang magpakita ng emosyon. May isang malapit sa iyo ang mapapalayo at posibleng makaapekto sa iyo sa maghapong ito. Libangin muna ang sarili. Lucky number for today: 11

LEO (July 23-August 22) – Bagama’t wala kang ideya, matagal ka nang inoobserbahan ng mga nakakataas sa iyo. Huwag mangamba, pawang positibo ang kanilang obserbasyon. Hindi na nalalayo ang inaantay mong pagkilala. Lucky number for today: 41

VIRGO (August 23-September 22) – Pabago-bago ang iyong mood sa araw na ito. Sa halip na mag-concentrate sa lungkot, magpokus ka sa mga bagay na dapat mong ipagsaya. Hindi makakatulong ang anumang drama. Lucky number for today: 29

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Isang deal na matagal mo nang gustong pasukin ang tuluyang mabubuksan. Walang dapat saya­nging oras at oportunidad. Gawin na ang nararapat. Lucky number for today: 51

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi ka umaatras sa laban pero sa araw na ito makabubuting huwag nang patulan ang isang taong malapit sa iyo. Palagpasin na muna ang tensyon. Magiging maa­yos din ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Walang seryosong hadlang sa iyong harapan sa araw na ito. Magandang pagkakataon ito para maigiit ang matagal mo nang gustong mangyari. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang tensyon sa pagitan mo at ng isang tao sa paligid mo ang posibleng mawala sa kontrol sa araw naito. Manatiling kalmado at linawin nang maayos ang bawat isyu. Lucky number for today: 50

AQUARIUS (January 20-February 18) – Bago gawin ang anumang komprontasyon, siguraduhing kumpleto ang hawak mong ebidensya. Mahihirapan kang ibalik ang isang maayos na samahan sa isang maliit na pagkakamali lamang. Lucky number for today: 23

PISCES (February 19-March 20) – Hindi madali para sa iyo ang mga seryosong heart-to-heart talk. Gayunpaman, kailangan mo itong gawin sa lalong madaling panahon. Huwag mangamba, madali mo lamang maipapaunawa ang tunay mong mensahe. Lucky number for today: 54