Una sa Balita

Horoscope 02/26/2020

0 681

PISCES (February 19-March 20) – ­Maging maingat sa pakikipag-­usap sa tao sa unang pagkakataon. Huwag mas­yadong magtiwala. Lucky number for today: 11.

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka masisiyahan sa ‘di inaasahang gawain. Kailangang ibigay ang lahat ng iyong makakaya at makikita mo na nakakaaliw pala itong gawin. Lucky number for today: 14.

TAURUS (April 20-May 20) – Sumali sa mga usa­pin tungkol sa pagsagip sa kalikasan. Mapapansin na maraming tao ang nagkakainteres tungkol sa ganitong usapin. Lucky number for today: 38.

GEMINI (May 21-June 20) – Kailangan na magseryoso sa trabaho para manguna ka. Dapat maging madiskarte sa pakikitungo sa mga taong nakakausap para mapasagot ng oo sa isang pakikipagkasundo. Lucky number for today: 27.

CANCER (June 21-July 22) – Masu­werte ang taong ito para sa mga bagong opurtunidad. Maglalakbay ka sa darating na buwan para sa bagong trabahong papasukin. Lucky number for today: 3.

LEO (July 23-August 22) – Pag-isipang mabuti ang bagong negosyong papasukin. Huwag matakot sa bagong o­purtunidad. Subukan at pagyamanin ito. Lucky number for today: 17.

VIRGO (August 23-September 22) – Huwag susuko sa anumang pagsubok sa inyong relasyon. Bigyan ng panga­lawang pagkakataon ito, makikita mo ang mabuting pagbabago.Lucky number for today: 8.

LIBRA (September 23- October 22) – Hindi mo kinakailangang magbago ng pamamaraan sa iyong trabaho. Iwasang makinig sa sinasabi nila, dapat ay paghusayan pa. Lucky number for today: 10.

SCORPIO (October 23-November 21) – ­Kailangan lamang na ­maging sapat at hindi ­sobra sa iyong mga gagawin. Tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Lucky number for ­today: 33.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Marami ang gustong ­tumulong sa’yo. Kung ano ang ipinakita mo sa kanila, babalik ang lahat ng ito sa’yo. Lucky number for today: 41.

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Huwag mag-alala sa mga ‘di importanteng bagay sa iyong buhay. Unahin ang mga sariling interes kaysa sa ibang kapakanan. Lucky number for today: 30.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ituon ang iyong oras sa pagtratrabaho. Kailangang pagbutihin ang iyong pinansiyal na usapin. Lucky number for today: 22.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More