Una sa Balita

Horoscope 02/24/2020

0 641

PISCES (February 19-March 20) – ­Dapat ay lagi ka munang nag-iisip ng ­mabuti bago ka mag-salita. Madalas ay napapahamak ka dahil hindi mo pinag-iisipan ang iyong mga sinasabi pero hindi sa pagkakataong ito. ­Sundin ang iyong kutob at sabihin ang gustong sabihin. Lucky number for today: 45

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka man komportable na parang balewala sa ‘yo ang problema ng iba ay normal lang ito. ­Natural na reaksyon ito ng iyong isip para humanap ng ­balanse. Matagal nang ikaw ang sandalan ng iba. Walang masama kung uunahin mo muna ang sarili. Lucky number for today: 37

TAURUS (April 20-May 20) – ­Naghahanap ka ng mas malalim na ­kahulugan ng mga bagay. Maaari kang gumamit ng ­internet o magbasa ng mga libro tungkol sa bagay na gustong maintindihan. Oras na para gawin ang gusto. Lucky number for today: 38

GEMINI (May 21-June 20) – ­Kinakailangan ang mabilis na pagkilos ­ngayon. Ayusin ang anumang problema sa lalong mada­ling panahon bago pa ito lumaki. ‘Wag mong aksayahin ang iyong oras sa pag-iisip sa nakaraan. I-pokus ang iyong ­atensyon sa hinaharap. Lucky number for ­today: 55

CANCER (June 21-July 22) – Makabu­buti ang isang buong araw na para lang sa ‘yong sarili. Kailangan mong maglaan ng oras para ­mapag-isa kung gusto mo ng konting ­katahimikan at ­
kapayapaan. Subukan mong mag-bakasyon ng solo, magugulat ka sa ­magiging epekto nito. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Ito ang tamang oras para mag-plano at ihanda ang mga bagay na kailangan. Malaki ang ­posibilidad na ang lahat ng bagay na sisimulan mo ­ngayon ay magtatagumpay. ‘Wag kang mag-alala ­dahil ­nakahanda ang mga tamang tao para ­suportahan ka. Lucky number for today: 53

VIRGO (August 23-September 22) – Huwag kang matakot na sumubok ng bagong bagay. Umpisahan mo sa mga simpleng bagay katulad ng pag-iiba ng istilo ng pananamit o pag-bake. Palawakin ang iyong kaalaman at maaari kang mas-sorpresa sa iyong sarili. Lucky number for today: 10

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi sa lahat ng oras ay maganda ang ­pagiging pranka sa pakikipag-usap. Minsan ay mas marami kang makukuha na ­impormasyon kung hindi ka direkta at kung hahayaan mo sa silang mag open-up sa ‘yo. Lucky number for today: 8

SCORPIO (October 23-November 21) – Walang masama na maging maingat pero ­walang mababago kung hindi ka susubok sa ibang bagay. Naka-ayon sa iyo ang suwerte ngayong mga araw na ito kaya ‘wag matakot sumugal sa mga bagong bagay. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Matalino ka at alam mo ito pero ­gusto mo pang palawakin ang iyong ­kaalaman sa isang bagay. Ang pinakamahusay na paraan para matuto ay ang magtanong sa taong ­eksperto dito. Lucky number for today: 41

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Anuman ang problema na iyong pinagdaraan ngayon ay mawawala kung ­magkakaroon ka ng routine at magiging ­disiplinado ka. Puwede itong pag-set ng oras para matulog o pag-gawa ng iyong budget. Mga simpleng bagay na ang resulta ay ­malaking ­pagbabago. Lucky number for today: 54

AQUARIUS (January 20-February 18) – Panahon na para mas magbigay ng ­atensyon sa nangyayari sa iyong paligid. ­Minsan sa ­sobra mong abala ay nakakalimutan mo ng ­i-appreciate ang mga malilit na bagay. Walang masama kung huminto minsan at i-enjoy lang ang mga karaniwang pangyayari. Lucky number for today: 22

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More