Una sa Balita

Horoscope 02/23/2020

0 681

PISCES (February 19-March 20) – Huwag mag-alala kung naguguluhan man sa ilang bagay sa iyong buhay ngayon. Maa­ring magkasalungat ang kagustuhan mong maging mas responsable at nais mo na mag-enjoy lamang. Ang kailangan mo lang ay ma­ging maayos sa pag-gamit ng iyong oras. Lucky number for today: 27

ARIES (March 21-April 19) – Kailangan mong maging sensitibo sa pag-suri­ ng ibang tao ngayon. Hindi mo makukuha ang sang-ayon ng iba kung mas­yadong mataas ang iyong inaasahan. Panatilihing bukas ang isipan sa opinyon at suhestiyon ng iba. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang mahulog sa ideya na mas magugustuhan at igagalang ka kung puro magaganda lang ang iyong sasabihin. Maging tapat at direkta sa iyong kritisismo. ‘Wag mag-alala dahil kakayanin nila ito. Lucky number for today: 13

GEMINI (May 21-June 20) – Maging handa sa mga ‘di inaasahang pangyayari lalo na sa aspeto ng pag-ibig. Idaan na lang sa tawa ito. Patunayan na kaya mong gawing positibo ang isang negatibong bagay. Lucky number for today: 38

CANCER (June 21-July 22) – Ito na ang pagkaka­taon na magkaroon ng mas maraming kontrol sa mga nangyayari sa iyong paligid at panahon na para ma-realize mo ito. Magkakaroon ka ng mas mabu­ting pang-unawa sa isang isyu o bagay na matagal ng gumugulo sa’yo. Lucky number for today: 1

LEO (July 23-August 22) – Walang masama kung minsan ay uunahin mo muna ang mga pan-sariling interes. Bumili o gumawa ng bagay na gusto mo. Kailangan mo ito para manatiling kalmado at masaya sa buhay. Lucky number for today: 49

VIRGO (August 23- September 22) – Panahon na para alisin kung may sama ng loob ka sa iba. Mahalaga­ ang magiging papel ng mga taong ito saiyong buhay. Bigyan sila ng pagkakataon para maipakita sa’yo kung sino talaga sila. Lucky number for today: 52

LIBRA (September 23- October 22) – Maaaring may hinaharap ka na problemang pinansyal at hindi­ mo namamalayan na kinu­kuha nito ang iyong buong atensyon at oras. Tawagan ang isang masayahing­ kaibigan o kapamilya para malibang at malimutan sandali ang problema. Lucky number for today: 33

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi man alam ng iyong pamilya ang buong istor­ya ng mga nangyayari sa iyo ngayon ay gusto ka pa rin nilang pangaralan. Ito ang kanilang paraan para maipakita kung gaano ka nila kamahal. Pakinggan ito at may mapupulot kang bagay na makakatulong sa’yo. Lucky number for today: 46

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ano pa ang hinihintay mo? Walang mangyayari kung hihintayin mo ang oportu­nidad na lumapit sa’yo. Panahon na para kumilos at gumawa ng paraan para makuha ang gusto. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-January 19) – Pagkatapos mong asikasu­hin at unahin ang panga­ngailan ng iba ay oras na para sarili mo naman ang intindihin. Walang masama kung i-pamper at mag-relax­ kahit papano. Tratuhin ng mabuti ang sarili. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mahalaga na mabigyang pansin ang maliliit na detalye sa iyong buhay. Ang pag-alala sa kaarawan ng kaibigan o kapamilya ay nagpapakita na mahalaga sila sa’yo. ‘Wag ipagsawalang bahala ang mga bagay,­ maliit man o Malaki. Lucky number for today: 3

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More