Una sa Balita

Horoscope 02/20/19

0 378

ARIES (March 21-April 19) – Iwasan munang ma-involved sa mga sitwasyon na maaaring makasira ng iyong reputasyon. Iwasang manging mapa­ngahas. Kailangan mong pairalin ang disiplina sa sarili para mas makaiwas sa mga hindi kailangang intriga. Lucky number for today: 58

TAURUS (April 20-May 20) –Isang kaibigan ang maaaring makasakit ng iyong damdamin pero ang sinasabi lamang niya ay katotohanan. Kailangan mong marinig ang katotohanan kaysa manatiling nagbubulag-bulagan. ‘Wag masyadong ma­ging balat-sibuyas. Lucky number for today: 48

GEMINI (May 21-June 20) – Sarilinin muna ang mga plano mo lalo na kung may kinalaman ito sa iyong mga pangarap sa buhay. Maaaring madiskaril ito dahil lamang sa isang taong hindi makaya­nang mag-ingat ng sikreto. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Ngayon ang pagkakataon para bumawi ka sa mga taong may malaking naitulong sa iyo sa mga nagdaang araw. Ipakitang maru­nong kang tumanaw ng utang na loob. Mas nadodoble ang mga biyayang dumarating kung marunong kang magpa­salamat. Lucky number for today: 36

LEO (July 23-August 22) – Nasa mood ka ngayon para maging mas mapangahas at pansamantalang isantabi ang mga restriksyon. Iwasan lamang na mapasok sa mga komplikadong sitwasyon. Baka mahirapan ka nang makalabas. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23-September 22) – Mapopokus ang iyong atensyon sa isyung may kinalaman sa pera. Kailangan mong magdesis­yon at kakailanganin mo ring manindigan. Ang iyong malawak na karanasan ang magi­ging daan para maitama ang isang komplikasyon. Lucky number for today: 39

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi ito ang oras para magrelaks. Lahat ng plano gaano man pinaghandaan ay puwedeng pasukin ng mga hindi inaasahang aberya. Makabubuting nakaalerto para maagapan anuman ito. Lucky number for today: 14

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas madali ka ngayong ma-inlove at kung wala ka pang partner sa buhay, hindi nalalayo ang love at first sight. Nasa iyong kamay ang lahat ng pagkakataon para i-follow ito. May posibilidad din ang isang pagbabakasyon. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mag-i-improve na ang anumang relasyon—sa kaibigan o sa partner sa buhay. Marami ring positibong ideya ang nabubuo sa iyong isip. Huwag nang magdalawang-isip, umpi­sahan na itong gawin. Lucky number for today: 11

CAPRICORN (December 22-January 19) – Lumayo muna sa mga isyu para makapag-isip ng mga bagong estratehiya. Pag-aralan ang mga impormasyong hawak mo at tingnan kung paano ito magagamit. Lucky number for today: 29

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nasa punto ka na kung saan kailangan mong isipin kung tama ba ang ginagamit mong estratehiya. Pag-aralang mabuti ang iyong kakayahan at kinakaharap na dapat gawin. Lucky number for today: 3

PISCES (February 19-March 20) – Tapos na ang mga araw ng pagdadalawang-isip, ngayon ay kaila­ngan mo nang ilatag at simulan ang iyong mga plano. Wala kang dapat ikatakot, nasa tamang posisyon ka para mag-umpisa. Lucky number for today: 22

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy