Una sa Balita

Horoscope 02/19/2020

0 362

PISCES (February 19-March 20) – Matu­tupad ang pangarap na mas mataas na posis­yon. Sipag, tiyaga at lakas ng loob ang kinakaila­ngan sa klase ng trabahong meron ka. Lucky number for today: 2

ARIES (March 21-April 19) – Praktikal kang tao, hindi mo iniisip ang mga bagay na wala ka. Naniniwala ka sa kasabihang kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. Lucky number for today: 15

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na kapakipakinabang para sayo. Huwag mag-aksaya ng oras baka kulangin ng panahon ang proyektong tinatapos. Lucky number for today: 29

GEMINI (May 21-June 20) – Maging mabuting halimbawa sa mga kasama sa trabaho. Importante ang iyong propes­yon kaya mag-i­ngat sa mga sasabihin at gagawin. Lucky number for today: 25

CANCER (June 21-July 22) – Nakasentro sa espiritwal na mundo ang iyong sarili ngayon. Gusto mong malaman ang mataas na antas ng katotohanan tungkol sa pali­gid mo. Lucky number for today: 40

LEO (July 23-August 22) – Subukan na sabihin ang mga problema sa mga mahal mo sa buhay.Maging positibo sa ano mang pagkakataon. Lucky number for today: 13

VIRGO (August 23- September 22) – Iwa­sang magkaroon ng alitan sa iyong karelas­yon. Madadaan ang lahat sa maayos at mahinahong usapan. Lucky number for today: 18

LIBRA (September 23-October 22) – Huwag mag-alala sa sitwas­yon ngayon. Subukan ang mamasyal upang mabawasan ang sobrang pag-iisip, makakakuha ng bagong inspirasyon. Lucky number for today:21

SCORPIO (October 23-November 21) –Maging maingat sa paggastos sa mga darating na linggo. Kontrolin ang iyong emosyon, huwag itong ipakita sa nakararami. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Tanggapin ang malaking pagbabagong magaganap sa iyong pagkatao. Kailangan ng lakas ng loob at humi­ngi ng suporta mula sa pamilya. Lucky number for today: 28

CAPRICORN (December 22-January 19) –Kausapin nang mahinahon ang taong nagkamali sa’yo. Mas pipiliin mo na maging maayos ang lahat ng gusot kaysa makipag-away. Lucky number for today: 9

AQUARIUS (January 20-February 18) – Gusto mong makibahagi sa isyu na tinatalakay nga­yon. Marami kang maitutulong sa sitwasyon ng inyong samahan. Lucky number for today: 16

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More