Una sa Balita

Horoscope 02/19/19

0 441

ARIES (March 21-April 19) – Piliing maging simple at mas mag-e-enjoy sa buhay. Kung inaalala mo na kulang pa ang effort mo, isipin din na mas malaki pa rin ang nagagawa mo kumpara sa ibang naghihintay na lamang. Lucky number for today:  22

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mo ngayon ng kaibigan na magiging totoo sa iyo. May bagong oportunidad para makatagpo ng taong mas makakaunawa sa iyo, ‘wag sayangin ang pagkaka­taon. Lucky number for today:  11

GEMINI (May 21-June 20) – Walang masama kung itataas mo pa ang goals mo. Gumaganda ang iyong reputasyon at posisyon, marami ka pang mararating sa talento at kakayahan na taglay mo. Patuloy lamang magtiwala sa sarili. Lucky number for today:  45

CANCER (June 21-July 22) –  Papaganda na ang takbo ng mga araw. Gamitin ito para mapalawak pa ang iyong interes. Ngayon ang tamang pagkaka­taon para itigil na ang pangangarap nang gi­sing at sumabak na sa kinakailangang aksyon. Lucky number for today:  15

LEO (July 23-August 22) – May ilang a­beryang hatid ang pag-uumpisa ng linggong ito. Hindi rin kataka-takang makaramdam ka ng pagod. Kaya kung may pagkakataong makapagrelaks, gawin ito. Babalik din sa normal ang sitwasyon. Lucky number for today:  57

VIRGO (August 23-September 22) –  Hindi ikaw ang tipong napipikon sa mga sinasabi ng mga tao. May mga komentong hindi kasiya-siya pero makakatulong sa iyo ang mga positibong kritisismong ito. Lucky number for today:  18

LIBRA (September 23-October 22) – Masyado nang komplikado ang buhay kaya ‘wag nang kumuha ng dagdag pang responsibilidad lalo na’t hindi ka naman direktang involved. Unahin mo muna ngayon ang sarili mo bago ang ibang tao. Lucky number for today:  50

SCORPIO (October 23-November 21) –  Kung ano ang deserve mo, iyon ang ipaglaban mo. Hindi mo makukuha ito kung hindi ka muna maninindigan. Ipakita na alam mo kung ano ang ipinagla­laban mo. Lucky number for today:  46

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –  Ang isang hindi magandang pangyayari kahapon ay magbubukas ng benepis­yo ngayon o sa mga susunod pang araw. Hindi lahat ng inakala mong negatibo ay totoong negatibo, ang ilan ay daan lamang para mabuksan ang bagong oportunidad. Lucky number for today:  30

CAPRICORN (December 22-January 19) –  Manatiling nakapokus sa iyong mga primary objective ngayon. Maraming distraksyon pero dumistansya muna para hindi masayang ang iyong effort. ‘Wag isuko ang iyong mga goals sa buhay. Lucky number for today  3

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mag-concentrate muna sa iisang bagay na nagpapasaya sa iyo. Gamitin ito para marelaks dahil sa mga susunod na araw ay kakailanganin mo nang tumutok sa mga seryosong usapin at wala ka nang panahong maglibang. Lucky number for today:  34

PISCES (February 19-March 20) – Sikaping maging produktibo sa lahat ng pinagbubuhusan mo ng effort. Walang oras na dapat sayangin. Hindi rin ito ang pagkakataon para tumutok sa mga petty issues. Level up muna! Lucky number for today:  10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy